Chapter 15- Getting To Know Each Other

13 3 0
                                    

Pagkatapos nung nangyari nung isang linggo sa pagligtas ko kay Belle ay parang nagkaroon na kami ng konting ilangan. Para naman kasing ang awkward nga. Kung ano-ano ba naman kasi tong bigla ko na lang nararamdaman eh. Siguro napra-praning lang ako. Kaya nung makalipas ang linggo, umakto nalang kaming parang normal. Yung sabay lang kami kumakain at nag-uusap ng paminsan minsan. Ganun lang yung set up namin araw-araw. Ewan ko nga ba.

Nandito pa rin ako ngayon sa may ancestral house at kasalukuyan naman akong nakatambay sa paborito kong lugar, ang terrace.

Mga alas otso na rin ngayon ng gabi. Matapos kasi naming kumain, which is nagpa-deliver nalang kami since hindi namin trip magluto at hindi ko pa rin ma master master ang art of "cooking", ay naisipan kong tumambay dito since nakakabagot na nga. Wala naman kasing pwedeng gawin dito. Hindi naman kasi ako basta-basta makakalabas kasi nga baka makuyog ako at maging laman pa ng mga headlines kinabukasan.

Ayoko rin namang buksan ang phone at laptop ko kasi for sure binaha na yun ng text, call at email ni Mommy. You know how nagging she can be. Baka masira lang ng tuluyan ang araw ko pag ginawa ko yun.

And speaking about that. Ano na kaya yung nangyayari dun sa "mundo" ko? Anong headlines at kalokohan na kaya ang ibinalita tungkol sa pagkawala ko? Baka umabot na yun to the extent na patay na ako? Thinking about that, naisip ko kung paano ni Mommy sinasagot ang press. At some point parang gusto kong makonsensya. But then again, things will just remain as is if I will not try to make a move to change the status quo. And sometimes, the right things in life are the things that might hurt us most.

I just heaved out a sigh. Ang hirap naman kasi ng posisyon ko. I should not be thinking about these things with my age. Pero anong magagawa ko, iba ako, iba ang mundong ginagalawan ko. Ang ironic lang minsan ng buhay eh. Kung sino yung biniyayaang maging angat at kakaiba sa lahat,sila pa yung mas gustong maging simple at normal. At kung sino naman yung simple at normal ang buhay, sila pa yung gustong maging unique at umangat sa iba. Siguro ganyan lang talaga ang tao. We just never get contented. We always want to be different from what we really are.

"Z-zac?"

Bigla namang naputol yung pag-iisip ko nang biglang tumawag si Belle. Napalingon naman ako para tingnan siya. Nakatayo naman siya dun sa may pintuan ng terrace at pinilit ngumiti.

Teka, bakit parang nangyari na to dati? Déjà vu lang? Or talagang paulit-ulit lang kami? I'd prefer the former.

Dahan-dahan naman siyang naglakad para lumapit sa akin.

"Nagdala nga pala ako ng mainit na tsokolate. Masyado kasing malamig ang ihip ng hangin. Naisip ko na baka kailangan mo ito."

Sabi niya at iniabot naman sa akin yung bitbit niyang tasa na may lamang ngang hot chocolate. Meron din na para sa kanya.

Akalain mo namang concern din pala ang taong 'to? Lumapit siya sa akin at tumayo din sa gilid ng terrace sa tabi ko at napatingin din sa kawalan.

"Thank you." sabi ko naman sa kanya.

Kahit naman papano hindi naman ako ganun kaangas para hindi magpasalamat.

"Salamat ang ibig sabihin ng iyong tinuran hindi ba?" sagot niya at napalingon siya sa akin habang nakangiti.

"Ah, Oo. At nasabi mo na yan  sa akin dati diba?"

"Tama ka sa iyong sinabi. Itinuro iyon ni Lianne sa akin." sagot naman niya.

Buti naman at may natutunan din pala to kahit papano. At least hindi na siya masyadong magmumukhang ewan kapag kausap. Hindi na lang ako ulit sumagot sa kanya at napatingin nalang dun sa kawalan.

In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon