Chapter 19- Falling In Love?

12 4 0
                                    

Zac's POV

Kasalukuyan akong nakaupo sa likod ng van. Nakaupo naman si Belle sa tabi ko. Nasa harapan si Lianne katabi si Alex na nagda-drive. Alas tres na yun ng hapon at halos magdadalawang oras na kaming bumabyahe.

Yes, you are reading the situations right. Babalik na kami sa Manila. Ayoko mang sabihin na na- threaten ako sa sinabi ni Steff pero I know her better. I know that she would actually do what she said. Ayoko rin talaga sanang bumalik pa, pero pagkatapos naming mag-usap ng mala- "no holds barred interview" nila Alex ay ito na ang napagdesisyunan namin. Ito na talaga ang tamang gawin. Yung harapin na lang ang mga bagay-bagay na pilit kong tinatakasan. After all, dun din naman ang bagsak nitong lahat. And I also don't want that anything bad will happen to Belle. So yung bottom line, wala na talaga akong choice. I heaved out a sigh.

Natigil naman ang pag-iisip ko ng maramdaman ang pagpatong ng ulo ni Belle sa balikat ko. Nilingon ko naman siya.

Anong trip nito? May pasandal-sandal pa tong nalalaman. Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kaniya at dun ko nakita na nakatulog na pala siya. Yun naman pala eh. Napagod na siguro sa biyahe. Akala ko pa naman gusto lang makipaglambingan kaya sumandal sa may balikat ko.

Darn! Lambingan? Ganun talaga? Anong kabaduyan itong iniisip ko? Sarap dikdikin din nitong subconscious ko minsan eh. Kung ano pinag-iisip. Sarap batukan.

Napailing na lang ako. Inayos ko na lang ang pagkakasandal niya sa balikat ko para hindi siya magka- stiff neck. Pasalamat siya at saksakan ako ng bait at may dugong pagka-gentleman. Kundi ewan ko lang. Lakas ko ring makapagbuhat ng sarili kong bangko.

Tiningnan ko nalang ulit ang mukha niya. Napangiti na lang ako. Ang peaceful niyang matulog. Parang batang inosente. Parang anghel. Yung mga tipong ang sarap alagaan. Yung parang tingin palang at wala pang ginagawa turn-on ka na.

Ano ba ang ginawa kong mabuti at pinahintulutan ng Panginoon na makadaupang-palad ko ang marikit na binibining ito?

Naks! Ang lalim nun. Lakas maka Jurassic Tagalog ha. Nahawa na rin ako siguro kay Belle. Medyo napapadalas na rin kasi pakikipag-usap ko dito eh. Malay ko namang contagious pala yun?

Nasilaw naman ako nang biglang may nag-flash sa harapan ko. Medyo nagulat naman ako kaya humarap na lang ako para hanapin kung saan galing yun.

"Ikaw sir ha, pasimple." panunukso ni Lianne habang may hawak na cellphone. Picture-an ba naman kami?

"Ang cute niyo dito sa picture! Parang mag-syota lang." kinikilig niya namang dugtong sa sinabi niya.

"Tumigil ka nga Lianne. At tsaka i-delete mo yan!" utos ko naman.

Ano na naman bang masamang hangin ang pumasok sa utak ni Lianne at ang lakas nito maka-imbento? May pa syota -syota pang nalalaman. Gusto ko sanang agawin ang cellphone ngunit ayoko namang gumalaw kasi baka biglang bumagsak yung ulo ni Belle. Kawawa naman. Baka nasa kasagsagan na yun ng climax ng paniginip niya, baka biglang matigil. Sayang naman kung ganun. Bitin.

"Ayoko nga sir. Ang sweet niyo dito. I u-upload ko to sa FB at sa Instagram." sagot niya at aktong nagpaswipe-swipe sa phone niya.

Seryoso siya? Adik to ha. I-post pa talaga sa Facebook at Instagram ha?

"Sabing i-delete mo nalang. At anong upload ang sinasabi mo? Gusto mo bang gumawa ng issue? Gusto mo bang ma-headline ako bukas?"

Napatingala naman si Lianne at napatingin sa akin. Na realize niya na siguro yung kabaliwan niya. Buti naman kung ganun. Nagpout na lang si Lianne.

"Sige na nga.Hindi ko na lang i uupload." malungkot na sabi niya.

"Pero hindi ko rin to ide-delete." dugtong niya at napangiti ng malapad.

In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon