Chapter 36- The Return

15 1 0
                                    

"Maraming salamat ulit sa paghatid ah."

Nahihiyang sabi ko kay Andrew nang makalabas na kami sa magara niyang kotse. Paano ba naman kasi pagkatapos niya akong ilibre dun sa mamahaling coffee shop eh nagprisinta pa talagang ihatid ako. Umayaw naman ako nung una. Hindi pa naman siguro ganun ka kapal ang mukha ko diba? Pero dahil nga si Andrew to eh, maliban sa pagiging pasabog king ay may dugo ring "mapilit king" kaya pumayag na rin naman ako. Wala namang mawawala diba? Tsaka para-paraan na rin para magkasama kami ng matagal.

"Wala yun. So next time ulit?" sabi niya habang nakangiti.

Napangiti na lang din ako sa mga ngiti niya. Ayan na naman kasi ang signature killer smile niya eh. Nakakasilaw naman tuloy kahit na ang dilim-dilim na.

"Sige. Umuwi ka na rin. Gabi na eh. Pasensya nalang ulit sa abala." paalam ko sa kaniya habang ngumingiti at may pahawi- hawi ng buhok sa tenga.

Masyado na ata akong pabebe dito. Nemen!

"Ayos lang yun. Good night nalang sayo Belle. Bye." sabi niya at pumasok na dun sa kotse niya.

Tumango na lang ako at kumaway sa kaniya. Pinagmasdan ko na lang siyang tumalikod habang naglalakad papunta sa kotse niya. Ano ba naman yan. Ultimo likod ni Andrew ang sexy eh no? Ang gara naman.

Nang tuluyan na siyang makapasok sa kaniyang high- end at super sosyal na sasakyan ay binaba niya muna ang windshield ng kotse at kumaway pa sa kin.

"Ingat!" sigaw ko nalang.

Kinindatan niya naman ako at agad naman niyang pinaandar ang kotse at umalis. Para naman akong ewan na nakatayo lang dito at nakanganga. OMG to the 100th level!! Kinindatan niya talaga ako? As in may ganun talaga? Ang lakas maka-kilig to the bones ha. Ano ba yan. Parang kinukuryente ang mga lamang loob ko. Parang gusto kong maghihiyaw at magpatalon- talon dito sa kalye sa sobrang kilig ko. Nakakahaba tuloy ng hair. Umandar na naman tuloy ang kalandian ko. Kumo- quota na nga siguro ako.

Hinintay ko muna na makaalis yung sasakyan niya bago tuluyang pumasok dun sa tinitirhan namin ni Lianne na apartment. Kahit na nakakapagod eh hindi ko pa rin maiwasan ngumiti. Solb na solb na talaga ako kay Andrew. Para na siyang enery drink at vitamins ko. Ang lakas makapagtaas ng energy eh.

Binuksan ko nalang yung gate at sinarado rin yun agad nang makapasok ako. Agad ko naman tinungo yung pinto at pumasok na rin dun.

Pero teka? Bakit ang dilim-dilim naman dito? Hindi pa ba nakakauwi si Lianne? Eh mag-aalas-otso na ha. Alas singko din kaya yung out niya sa kanyang trabaho. Pupuntahan ko na sana ang switch para sindihan ang ilaw ngunit bigla namang lumiwanag. Nakita ko naman agad si Lianne na nakaupo sa sofa at naka-cross arms. Nakataas pa ang mga kilay nito. Ano na naman trip nito.

"Ikaw bata ka, ilang ulit ko bang sasabihin sayo na dapat hindi ka ginagabi ng uwi!" pagalit na sabi niya at napatayo sa kinauupuan niya.

Napaatras naman ako. Hala? Problema nito at bigla tong nagtaray? Ano na namang masamang hangin ang nalanghap nito?

"Alam mo ba kung anong oras na? Uwi ba to ng desenteng bata?"dagdag niya pa at mas lalong lumapit sakin.

"Hindi mo ba alam na kanina pa ako naghihintay dito? Di mo ba alam ang nararamdaman ko? Aatakihin na ako sa puso sa pag-aalala!" bigla niya namang sabi.

Napapaiyak pa to ng mala pang Best Actress na para lang may shooting eh no? May paduro- duro pa sa dibdib na as if nasasaktan talaga. Ano na naman kayang nakain ng bruhang to? Baka nalipasan na naman ng gutom at bigla na lang nagkakaganito.

"Palibhasa sayo sarili mo lang iniisip mo! Hindi mo na iniintindi ang nararamdaman ng ibang tao!" atungal niya ulit sabay duro-duro pa sa akin.

Ang lakas ng trip nito ah? Ano siya takas sa mental? Hindi ko alam kung ano na namang sumagi sa isip nito.

In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon