Chapter 10: Princess Imperfect

17 3 0
                                    

Nagising ako sa nakakasilaw na liwanag. Umaga na pala. I rubbed my eyes. Another day. And I am still hoping that things will finally get better. My day yesterday was just plain stressful and stupid. Parang ayoko pa ring bumangon. Mas okay na to. Itong nakahilata lang ako sa kama na tila walang planong bumangon. I just wanted to feel every strand of peacefulness, kahit dito nalang din sa confines ng kwarto ko. Ang sarap ng buhay kapag ganito. This is what we call life.

I stretched. Ang sarap matulog ulit. Inviting kasi ang lambot ng kama, ang sarap higaan. Isa ito sa napakahirap makuha ng isang artista, yung magkaroon ng matinong tulog. Kaya , whenever I get a chance like this ,I would eventually grab it. Haay. Makatulog na nga lang ulit. When I was about to close my eyes again, a knock came on my door.

Knock! Knock!

Asar naman to oh. Akala ko ba magiging okay na to this time? Next time, plaplanuhin ko na talagang lagyan ng 'Do not Disturb' sign yung labas ng kwarto ko. Bakit ba kasi ang daming sagabal na nangyayari sa buhay ko?

"Sino yan?" sigaw ko.

Wala namang sumagot nung sumigaw ako, kundi imbes mas lumakas pa yung katok sa pintuan. Asar naman oh!

Bumangon na lang ako, mostly kasi wala na akong choice, para buksan yung pintuan. Sarap angasan yung mapanggulong to. Nang buksan ko ang pinto, bumungad naman sa harapan ko ang mukha ng babaeng baliw. Sino pa nga ba? Edi si Belle.

Nakasuot na siya ng matinong damit ngayon. White Shirt and maikling maong shorts. Ang baduy aminin pero bumagay sa kaniya yung suot niya. Para kasi siyang ewan dun sa suot niya nung makita ko siya eh. Ibang iba sa nakikita ko ngayon. And God, she's sexy.

NO!! Why am I even thinking about that? Sarap batukan yung sarili ko. Hindi dapat ako madistract.

"Ikaw na naman?!" pasigaw kong sabi sa kaniya.

" Ahhhhhhhh!" napasigaw siya at biglang tumalikod sa akin. Namumula pa yung mukha niya.

Problema nito? At para saan naman yung pag sigaw niya? May kasigaw-sigaw ba sa tanong ko? Lakas talaga ng tama neto sa utok.

"G-Ginoo m-magsuot po kayo ng kasuotan." sabi niya habang nakatalikod pa rin sa akin.

What did she just said? Magsuot ng kasuotan? Napatingin naman agad ako sa sarili ko. Nung oras lang ding yun na narealize ko na naka boxer shorts lang pala ako.

Anak ng baklang kalabaw!

Halos hubad na pala ako kaya ganun nalang kung maka react ang baliw na 'to. Eh sa mas sanay akong matulog na ganito lang. Ang arte naman ng babaeng to. Maganda naman katawan ko ha. Cover boy ata to. Pero kumuha nalang ako ng damit at mabilisang nagbihis. Mahirap na, baka may lahing rapist din ang sindikatong ito at mapabilang pa ako sa mga nabiktima niya kung saka-sakali.

" Ikaw na naman? Ano na naman bang kailangan mo? " tanong ko ulit. Pero ngayon nakasuot na ako ng matinong damit.

Dahan dahan naman siyang humarap sa akin. Namumula pa rin yung mukha niya. At pinipilit umiwas ng tingin.

"G-Ginoo, gusto ko lamang humingi ng paumanhin sa nagawa ko kahapon. Kaya ito, minabuti ko nang ako nalang magdala sa inyo ng agahan"

May bitbit nga siyang tray na may lamang pagkain. At may isang tasa ng kape pa. It never occurred to me na sa ka inosentehang pinakita niya sa amin kahapon eh marunong palang magluto to? One proof na isa talaga siyang manlolokong sindikato.

" Nagplano ka pa ng peace offering ha. At sa tingin mo madadala mo ako diyan?"

" Sana po tanggapin niyo ang aking munting handog." sabi niya at inilapit sa akin yung tray na may lamang pagkain. Nakayuko pa rin siya

In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon