Chapter 9: I Took Home A Time-Displaced Royalty

16 3 0
                                    

" Ahm, Maria Isabella. Pasok na tayo sa sasakyan." utos ni Lianne habang hawak hawak yung babae.

Nandito na kami ngayon sa parking lot ng hospital.Medyo madilim na rin ngayon. Mga past 7 na siguro.

" Anong bagay iyan? Ayoko! " pagpupumiglas ng baliw na babae. Pinipilit nitong kumawala sa pagkakahawak ni Lianne.

" Ahm, Chill lang kasi. Diyan tayo sasakay . Uuwi na tayo" sabi ulit ni Lianne habang pinapakalma ang baliw na babae.

" Iyan ang bagay kung saan tayo sasakay? Isa ba yang karwahe?" tanong niya ulit na nakakunot ang noo.

"Parang ganun nga. Kaya tara na. Sumakay na tayo."

"Ayoko. Natatakot ako Binibini." sabi niya at nagpumiglas ulit.

Lianne, tried to settle her down.

Matatagalan kami dito kung aarte pa ng ganito ang babaeng to kaya I decided to make a move.

"Tara na nga! Ang arte mo!" sabay hawak ko sa kanya.

Nagpupumiglas siya ulit. Ang likot likot niya. At sa sobrang piglas niya, nasiko niya yung panga ko.

"Dammit!"

Ang sakit nun! May sa pagka halimaw talaga ang babaeng to! Natigilan naman yung babae at napatakip ng bibig. Halatang nagulat sa nagawa niya.

"Sir, okay ka lang?" tanong sakin ni Alex at inakay ako.

"Bwisit yang babaeng yan!! "

sigaw ko at padabog na pumasok sa kotse. Lang hiya. Bullshit na babaeng yan. Nakakapikon! Wala na ba siya ibang alam gawin kundi mang bwisit at manakit? Nakakailan na to ah.

Hindi ko alam kung paano nila napilit na pumasok yung bwisit na babae. Pero nakaupo na sila ni Lianne sa likod. Agad namang pumasok si Alex sa driver's seat at pinaandar ang makina. Hawak hawak ko pa rin yung panga ko. Ang hapdi!

Maria Isabella Rivera. Yun pala yung pangalan niya ha. Pati pangalan parang hindi rin tama. And I can't believe I am still bringing her home! Is this the price of being too nice? Ang lakas ng tama sa utak ng babaeng iyan! Prinsesa ha? Galing sa 1914? Sa panaginip niya! Hindi ko alam kung gawa gawa niya lang ba talaga to o uma- acting lang o totoo ang lahat ng sinasabi niya.

"Sir, ayos ka lang?" tanong ulit ni Alex.

I gave him an Ok sign. Ayokong magsalita. Ang init ng ulo ko. Nakakabanas ang babaeng weirdo na yun! But who can blame me?

" Kakaiba tong karwaheng sinasakyan natin. Walang kabayong humihila ngunit umuusad tayo." sabi nung Isabella at inikot ang paningin sa loob ng sasakyan. Pinindot pindot pa yung upuan.

Ayan na naman siya. Nagiging weird na naman. Parang wala lang yung ginawa niya sa akin kanina ha. Bwisit. Tama ba talagang dalhin namin pauwi sa bahay ang baliw na to?

" Uhm, Belle, hindi naman kasi karwahe to" Sabat ni Lianne.

" Belle? Maria Isabella ang aking pangalan. Hindi Belle." sabat naman niya na nakakunot ang noo.

" Ah, e, oo nga. Pero mas madali namang sabihin yung Belle. At para rin naman magkaroon ng modern touch yung pangalan mo. Kaya Belle nalang yung itatawag namin sa iyo. Ayos lang ba?" ani Lianne.

"Belle? ah, eh. Kakaiba siya sa aking pandinig. Pero kung sa ganoong tawag ka mas nagigiliw, sige, papayag na lamang ako." sabat niya. Binigyan naman siya ni Lianne ng isang ngiti.

Nagkaroon naman ng ilang sandali ng katahimikan. Nagpapakiramdam yung bawat tao dito sa loob ng kotse. But this is much better kesa mapakinggan yung nakakarinding boses nitong feeling prinsesa na babae.

In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon