Chapter 24- Mall Show

10 3 0
                                    

Zac's POV


"WOOH! Zac!Zac!"


"Weloveyou Steff and Zac!"


"Zac! Akinkanalang!"


"AngsexymoSteff!"


"Syett! AnggwapomoZac!"


Ilan lang yan sa mga naririnig kong sigaw nang makapasok kami dito sa isang Mall sa Cebu. Hindi ko nalang babanggitin ang pangalan dahil wala naman silang binayad para sa advertisement.


Parang hindi na magka-umayaw yung mga tao nung makita kami ni Steff na pumasok. Yung iba halos mangiyak-ngiyak na. Ang iba naman parang walang bukas kung makatili. Meron ding grabe kung makatalon. Hindi rin maiwasan na masaktan kami dahil sa tulakan. Ang dami lang kasing taong pumunta para lang makita kami. Lakas talaga ng charm namin eh no? Pero sana naman walang maaksidente o di kaya sana hindi na mag- stampede sa dami ng tao dito.


I admit that it feels overwhelming. Nakakalakas ng ego. Na masyadong mainit yung pagsalubong nila sa amin. Na masyado nila kaming minamahal. Meron pa ngang nagpa-print ng T-shirt na may nakalagay na ZEff, ang monicker ng love team namin ni Steff. Yung iba gumawa pa ng mga banner. May mga nagbitbit rin ng posters na may nakabalandrang mga mukha namin.


Nakakabilib rin minsan yung suporta nila. Na kahit nagsisiksikan na at nasasaktan na sila, petiks pa rin. Cool lang. Importante makita lang nila kami. Yung mga ganung sakripisyo nila nakaka-inspire magtrabaho para mapasaya sila. Pero dahil na rin dun, hindi ko rin maiwasang mahiya. Bakit? Kasi nga, sana kilala nila talaga kung sino yung taong iniidolo at sinupurtahan nila. Dahil parang tinitingala nila yung mga taong hindi naman talaga totoong kami. I'm not saying na we are all a bunch of great pretenders ha, pero kasi lang, hindi naman kasi nila nakikita kami bilang normal na tao, yung tulad lang din naman kami nila. Nagkakamali at may mga mali. Kung tignan kasi kami nila parang ang perpekto na namin. Na parang we are above mediocrity. Ganun. Hindi na nila naiisip na we are people also that is full of flaws.


Napailing nalang ako. Bigla kasi akong napa- emote dun. Naman. Aga-aga eh.


On a lighter note, Actually, a day had already passed since nakarating kami dito. Kung baga nung dumating kami dito, nag stay muna kami sa isang hotel before doing this mall show. Hindi naman kasi kami si Superman na kahit may jetlag ay trabaho agad. Kailangan rin namin magpahinga. And besides, Three days kasi yung naka-schedule na pag stay namin dito sa Cebu. Kaya ayun Okay lang. Pero pwede rin naman kaming mag-extend.


Patuloy lang kami naglalakad ni Steff. Medyo nagkakatulakan na. Mabuti nalang maraming bodyguards na humahawi. Nang makapunta na kami dun malapit sa stage kung saan kami magpe-perform, pinapasok muna kami sa backstage para mag-ready.


Nag-ayos muna kami bago mag-umpisa ng show. Yung set-up kasi dito, unang lalabas si Steff and do her production number, then I will perform next. Tapos yung huli sabay na kami.


Habang nag-aayos kami sa backstage, nagsimula namang magsalita yung host at tinawag na si Steff para mag perform. Agad namang umakyat dun si Steff.

In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon