Chapter 21- Press Conference

17 3 0
                                    

Biglang gumising yung diwa ko ng makaramdam ako ng sakit ng katawan.

Anak ng bakang bakla.

Paano ba naman nahulog lang naman ako sa kama ko? Hindi naman masyadong big deal. (Insert sarcasm here). Pero ang sakit lang talaga sa katawan mga pre. Nakakabawas pogi points to eh.

Siguro nga masyado ko lang na-miss tong kama ko sa condo. Mantakin ba namang para ko nang ginahasa ang bawat parte ng kama ko sa sobrang magalaw kong matulog. Kaya ayan, hulog sa kama ang naabot ng kapogian ko.

Nakakadyahe naman kasi. Kaya bumangon na lang ako at nag-unat. Ayos pa naman ako eh. Kung baga sa gyera, nagalusan lang. Kaya pang lumaban. Nagtungo nalang ako sa may banyo sa kwarto ko at inayos ang sarili ko at ginawa ang normal routine kapag umaga.

Sa mga madudumi yung utak diyan, hindi "yun" ang ginawa ko. Ligo, sipilyo, bihis ang gusto kong ipahiwatig. Huwag madumi yung utak.

Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako sa kwarto at tinungo ang kusina. Nandoon na si Alex at Lianne. Umiinom ng kape yung dalawa.

"Sir, good morning." bati naman nilang dalawa ng makita ako.

Nginitian ko nalang sila. Mukha atang maganda gising ng dalawang to ah? Buti pa sila kung ganun.

"Good morning din." sagot ko nalang sa kanila at napatingin sa paligid.

Teka lang. Parang may kulang ata? Dapat tatlong tao yung nandito ngayon. Bakit dalawa lang?

"Nasaan si Belle?" biglang tanong ko nang ma realize kung sino ang hinahanap ng mga mata ko.

"Nandoon sa kabilang kwarto, natutulog pa Sir. Miss mo na agad?" pang-aalaska naman ni Lianne. Inirapan ko nalang siya.

"Ang aga mong mang-trip Lianne ah. Miss mo mukha mo diyan. " pasupladong sagot ko.

"Pikon masyado?" patawang sagot naman ni Lianne.

"Ewan ko sayo." sagot ko nalang.

Napailing nalang din si Alex. Paano naman kasi parang ewan lang tong trip ng kapatid niya. May pa-miss miss pang nalalaman. Hinanap lang miss na ka agad? Ganun ba yun? Pinaghanda ko nalang yung sarili ko ng kape at sandwich dahil masyado akong masipag. Pagbigyan niyo na.

"Ah sir by the way. Tumawag nga pala si Maam Georgina. She said you will have a press conference this afternoon, 3 p.m."

Biglang sabi naman ni Lianne bago ko pa tuluyang maisubo yung sandwich. Napapa-English si Lianne ngayon ah. Professional person mode siya ngayon.

"Press Con? Agad-agad?" gulat na sabi ko.

"Opo. Yan po sabi niya eh."

"Anong trip ni Mommy? Palagi na lang siya nagpa-plano ng mga bagay na hindi muna ako tinatanong kung gusto ko." naiinis kong sabi.

Sa sandwich ko na lang ipinukol lahat ng inis ko. Kakabalik ko lang nag-umpisa ulit si Mommy. Wala na ba siyang magawang matino? Pwede namang magpalipas muna ng ilang araw, o kahit isang araw lang naman bago siya magpa-press con diba? Pero siya mamayang hapon na agad? Masyado naman siya atang atat. Excited lang.

"Hayaan mo na Sir. Ganyan lang talaga si Maam Georgina." sabi naman ni Alex.

Napabuntong-hininga na lang ako. Tama nga naman si Alex. So kailangan ko talagang maghanda at um-attend. Wala naman akong choice diba?

"I guess I don't have a choice." sagot ko nalang.

"Ico-contact ko na Sir yung designer niyo para ipahanda yung isusuot niyo sa event." biglang sabi naman ni Lianne at umalis na para nga gawin yung sinabi niya.

In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon