Chapter 7 : A Fairly Odd Story

19 3 0
                                    

Isabella's POV

Hindi ko alam ang dahilan kung paano ako napadpad sa misteryosong lugar na ito. At heto ako ngayon, tumatangis,  humahagulgul sa iyak at balot ng kaba ang aking dibdib. Dulot ng isang estrangherong lalaki na hindi ko mawari ang mga pinagsasasabi. Nagawa pa niyang sigawan ako. Wala siyang respeto sa mga babaeng tulad ko. At nakuha pa niyang takpan ang aking bibig! Walang modong ginoo iyon. At para protektahan ang aking sarili, kinagat ko na lamang ang kaniyang kamay. Bagay lamang iyon sa kanya!

Hindi ko rin alam kung nasaang lugar ako napaparoon. Sabi ng estranghero, hospital daw ang pangalan ng lugar na ito. Ano ba yun? Ngayon ko lang iyon narinig.

Bago ang lahat sa aking paligid. Wala akong makilala o makitang anumang bagay na pamilyar sa aking paningin. Paano nga ba ako nakarating sa lugar na ito? Hindi nga ba ako dinukot ng estrangherong lalaki na may kisig ng isang prinsipeng iyon? Pero may sinabi siya na lubos na nagpakurot sa aking puso. Nanggaling daw ako mula sa isang puno? Hindi kaya...

Hindi ko na mapigilan ang aking sarili na tumangis lalo. Kung gayon, totoo pala ang sinabi sa akin ng matandang babaylan. Kaya siguro iba ang lenggwahe, pananamit at istilo ng mga bagay bagay dito sa palagid. Marahil wala na nga ako sa lugar at oras na aking pinagmulan. Wala na ako sa buhay na aking kinalakhan. Kung gayon, nasa oras at mundo na ako ngayon ng nasa hinaharap. Kinapa ko ang kwintas na nakasabit sa aking leeg. Simbolo ito ng orasang buhangin. Kinuyom ko ito sa aking mga palad. Mas lalong kumurot ang aking puso.

Marahil naguguluhan na kayo kung ano ang aking mga tinuturan .At marahil tinutuligsa niyo na rin kung bakit ganito ako magsalita. Ako si Prinsesa Maria Isabella Rivera. Prinsesa ako sa aming kaharian, ang Kaharian ng Madya-as. Matatagpuan ito sa malayong parte ng bansa, tago halos mula sa iba, sa siyudad ng sibilisasyon, para na rin hindi na kami muling guluhin pa ng mga dayuhan. Para hindi na matulad noong dati, kung paano kami sinira ng mga lapastangang dayuhan. Kaya noong nakabangong muli ang aming kaharian, pinili na naming lumayo.

Payak lamang ang buhay na kinalakhan ko, kahit na maituturing na isa akong maharlika. Payapa at masaya ang lahat, ngunit nag -iba na ang lahat nang dumating ang isang suliranin na nagtulak sa akin na gumawa ng desisyon na maaring pagsisisisihan ko sa bandang huli. At ito na nga ang resulta.

Natigil ang aking pag iisip nang may biglang lumapit sa akin na isang binibini. Siya yung pumasok kanina na may isa pang kasamang ginoo. Kakilala marahil ng ginoong kasama ko kanina.

" Miss.Chill na, huwag ka ng umiyak." sabi niya sa akin sabay ngiti.

Ano ang sabi niya? Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin. Isa na naman sa lenggwaheng hindi ko maintindihan. Pinunasan ko ang aking mga luha at kinausap siya.

"H-Hindi ko maintindihan ang iyong sinasabi."

"OMG girl. Anong trip to? Pa nosebleed nang makabagbag damdamin na tagalog?." sabi niya sa akin at tiningnan ako ng kakaiba.

"Hindi talaga kita maintindihan. Tulungan mo naman akong makabalik sa amin."

" Okey. So Jurassic tagalog na kung Jurassic. Saan ka ba nakatira?" ani ng babae. Nakataas pa ang isa niyang kilay habang nakatitig sa akin.

"Madya-as. Kaharian ng Madya-as. Tulungan mo ako.Pakiusap." sambit ko sa kanya at hinawakan ang kaniyang kamay.

Hindi ko alam kung paano niya ako matutulungan. Pero kailangan ko ng makabalik, kahit ipilit ko pang mangyari ang imposible.

"Madya-as? Saan iyon? May nag e-exist  ba na ganung lugar?Malayo ba yun? Pwede bang i- GPS yun?"

" Teka, hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako nga pala si Lianne At ano ba yung pangalan mo?" dagdag na sambit ng babaeng nagpakilalang Lianne.

"Ako si Prinsesa Maria Isabella Rivera. Binibini, pakiusap, tulungan mo ako."

" Nag rhyme pa talaga? Try mo rin kaya girl yung Maria Leonora Teresa, para horror yung dating." sagot niya at sabay tumawa. Nawawala na kaya ito sa katinuan?

" A-ano ang nakakatawa?"

"Ang baba naman ng sense of humor mo teh.At bakit ba hindi mo ako maintindihan?" Sagot niya na nakakunot ang noo.

"Kasi..Kasi.." Paano ko ba sasabihin sa kanya? Baka hindi niya ako paniwalaan.

"Kasi ano?"

" Mahirap magpaliwanag.  Maging sarili ko mismo ay hindi ko maintindihan kung totoo ba itong lahat. Pero dahil na rin sa mga pagkakaibang nakikita ko sa paligid ko, alam kong isa lang ang posibleng dahilan."

"Eh kasi ano nga?"

"Kasi..Kasi ..." nag alangan akong ituloy ang aking sasabihin.

"Kasi?" tanong niya ulit.

" Kasi magkaiba ang panahon na pinanggalingan natin."  Usal ko.

Natahimik ang babaeng kausap ko. Nabalot ng pagtataka ang kaniyang mukha.

" Punchline ba yun?Niloloko mo ba ako? Isa ba tong malaking joke? O baka naman TV show to ng prank? Asan camera niyo?" sagot niya. At akmang lumingon-lingon na tila may hinahanap. Pinipilit rin niya ang sarili na pigilan ang pagtawa. Sabi ko na nga bang hindi niya ako paniniwalaan.

"Hindi. Hindi kita niloloko. Totoo ang aking tinuran. Iyon ang sinabi sa akin ng babaylan na kapag ginamit ko ito ,makakapunta ako sa hinaharap, makakatakas ako sa panahon ko." Agad ko namang pinakita sa kanya ang kwintas.

" Alam mo miss, baka baliw ka na o nag da-drugs. Paano naman mangyayari yun?"

Yung huling tinuran niya lang ang aking naintindihan.

"Hindi ko alam. Tanging ang babaylan lang ang may alam kung paano nangyari ito. Pero maniwala ka. Iyon ang katotohanan."

Natahimik muli ang babae at tinignan ako ng maigi. Halata sa mukha niya na hindi niya ako pinaniniwalaan.

" Okey. Sabihin na nating nagsasabi ka nga ng totoo. Pero bakit mo naman hiniling sa babaylan ba yun na makapunta ka sa hinaharap? Sa panahon namin? "

"Gusto kong tumakas. Tumakas mula sa lalaking hindi ko iniibig ngunit gustong ipakasal sa akin."

" Pati pala Fixed marriage uso na noon? Hanep. So anong taon ka ba nanggaling?"

"Taong labing siyam na libo't labing apat."

"1914!? Seryos ka?? Halos isang daang taon na?! Ang imposible naman ata nun. At ngayon ko lang nalaman, may time machine na pala noon. At necklace pa siya ha." gulat na sabi niya.

Napapitlag ako sa tinuran niya. Sa dami ng sinabi nya isang bagay lang ang naka agaw ng atensyon ko. Isang daang taon? Ganoon kahabang panahon ako dinala ng kapangyarihan ng kuwintas? Hindi pwede ito. Imposible ang bagay na ito. Sumikip ang aking dibdib. Nahihirapan akong huminga. Hindi ako makapaniwala sa aking narinig.

"Miss, okay ka lang? Bigla ka atang namutla"

Hindi ako nakasagot at napatulala nalang ako. Paano nangyari iyon? Paano  nagawa ng babaylan iyon? At higit sa lahat, makakabalik pa ba ako sa panahon at kahariang pinanggalingan ko?

" Ahm miss. Siguro pagod ka na.Mas mabuting magpahinga ka na muna ulit."

Sabi ng babae at inakay ako pahiga sa higaan ng silid na iyon. Ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko alam kung may magagawa pa ako para ayusin ang mga bagay na ito.  Na kung may paraan pa na makabalik at iayos ang lahat kagaya ng dati. At bago pa ako tuluyang pumikit at lamunin ng antok, may isang butil ng luha ang pumatak mula sa aking mga mata.

In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon