Chapter 27- The Odds in Our Love Story

21 2 0
                                    

"OH EM GEE!!"

Yan talaga ang reaksyon ni Lianne nung masabi namin sa kaniya na kami na ni Belle. Parang gusto ko na ngang mabingi sa tili ng pinaglihi sa sound system na babaeng to.

Yes you heard it right. Official na kami ni Belle. Simula pa nung kahapon. Pagkatapos naming mag-aminan kasi kahapon ay naging kami na. Wala nang madami pang kung ano-ano. Mahal naman kasi namin ang isa't isa. Ang bilis nga eh. Hindi naman sa nagmamadali kami ha, ano lang, we just know that those moments were what most people say the perfect place and the perfect time. Korni man sabihin pero lahat namang tao na nai- inlove nagiging korni eh. Kaya pagbigyan niyo na.

Pero kahit naman na ganito na, di pa rin naman matatangal ang takot at doubt samin. Iba pa rin kasi kapag may long term foundation ang relasyon. Yung may matagal na talagang pinagsamahan. Pero alam naman naming kakayanin namin ang lahat ng mga problema na pwede naming makaharap basta magkasama. Tiwala lang. Yun naman kasi ang dapat.

"Seryoso ka ba talaga sir? As in talagang-talagang kayo na? As in official boyfriend- girlfriend na ang status niyo?" exaggerated na tanong ni Lianne habang tinuturo pa kaming dalawa ni Belle.

"Oo nga sabi eh. Tsk." Pasupladong sagot ko nalang sa kaniya. Paulit- ulit naman kasi.

"Waaaaah! I'm so happy! Kinikilig ako!" sabi niya habang kinikilig pa nga.

Patalon-talon pa siya at nanginginig na parang kinukuryente. Parang baliw lang naman to. Parang sinapian lang ng masamang espirito. Ang sarap pektusan nito para tumino eh.

"I'm proud of you girl!! Ang haba ng hair mo!" sabi ulit ni Lianne at niyakap ng mahigpit si Belle.

Napapangiti na lang si Belle sa ginagawang kabaliwan ni Lianne. Kasi naman ito kahit kelan, ang O.A. mag-react.

"Uyy Lianne, sinasakal mo na si Belle oh." saway ko na sa kaniya at pinilit siyang kalasin sa pagkayakap kay Belle.

Paano ba naman kasi kung makayakap naman to parang unan lang yung kaulayaw niya. Ang higpit ng yakap. Hanep. Sobra pa sa tuko.

"Protective lang masyado sir? Pero ikaw Zac ha. Pa-deny deny ka pa dati. Ito rin pala ang kahahantungan. Uyy. Binata na ang boss namin. Pumapag-ibig na!" panunukso na naman ni Lianne habang tinutusok ang gilid ko.

"Itigil mo nga yan." sabi ko nalang habang umiiwas sa pangungulit niya.

Kahit kailan talaga ang babaeng to. Parang hindi tumatanda eh.

"This calls for a celebration talaga sir! Pero I need to tweet first!!" masayang sabi ni Lianne at kinuha agad ang phone at kinalikot.

Napailing na lang ako dito sa taong to. Para naman kasing magkadugtong na ang buhay nitong si Lianne at ang social media. Magkadugtong pa nga siguro mga pusod nito. Paano ba naman, ang bawat galaw at ginagawa niya upload at post agad? Ipangalandakan ba naman sa lahat agad-agad ang nangyayari sa buhay niya kahit siguro pag-utot niya pa. Parang ginawang online diary ang Twitter, Instagram at Facebook para lang magpapansin sa iba. Hanep. Dinaig pa artista.

"OH EM GEE TO THE SECOND POWER!" exaggerated na namang sigaw ni Lianne habang nakatingin sa cellphone niya. Napatakip pa siya ng bunganga. Napaharap na lang kami sa kaniya.

"Ano namang problema mo?" tanong ko nalang nang makita yung expression niya.

Para kasi siyang gulat na gulat. Parang may nakitang hindi maganda. Ano naman kaya yung bagay na yun na kayang makapag- elevate ng ka- OA- an nitong si Lianne.

"Sir!! Kailangan mo itong makita. As in now na!" sabi naman ni Lianne at madaling inabot sa akin ang phone niya.

Nagtaka naman ako dun. Ano kaya yung nakita niya bakit ganon nalang siya makapag-react. Nagkatinginan muna kami ni Belle bago ko tingan yung gustong ipakita ni Lianne. Lumapit na lang din siya dahil nagtataka na rin siya sa nangyayari.

In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon