Chapter 34- Andrew Sta. Cruz

18 2 0
                                    

Sa tangos ng ilong, makinis at maputing kutis at sa gwapong mukha. Hindi ako pwedeng magkamali! Ito yung lalaki na anak ng boss namin na may-ari nitong Olympus Hotel na pinagtatrabauhan ko! Siya yung anak ni Boss Arthur!

Kung sa minamalas ka naman talaga oh. Sa dinami-dami pa ng makakabunggo ko eh yung anak pa ng boss ko?? At natapunan pa siya ng kape ng dahil sa katangahan ko. Lagot na. Goodbye work na ba to? Huhu. Kakasabi ko lang kanina na hindi na ako dapat magpakatanga diba? Pero ano to? Ang katangahan talaga kahit kelan parang sipon, dumadapo sa mga panahong hindi mo inaasahan.

"Sorry po talaga. Sorry." sabi ko nalang.

Sinubukan ko namang pahiran yung tumilapon na kape sa suit niya. As if naman makakatulong yun! Eh sa hindi na ako makapag-isip ng matino dahil sa kaba eh. Nanginginig pa yung mga kamay ko.

"Itigil mo nga yan." sabi niya nalang.

Agad ko naman yung itinigil at binawi yung kamay ko. Biglang ipinikit ko nalang ang mga mata ko. Ayan na. Magagalit na siya. Sisisawan niya na ako, mumurahin, sasaktan, pagsasabihan ng hindi magandang bagay. Ini-ready ko na ang sarili ko sa mga yun. Deserve ko naman yun eh.

Pero Dear God , pwede po bang mag-request? Kung saktan man ako ng gwapong nilalang na to, pwede yung mild lang? Para hindi gaano kasakit. Please naman oh. Nakakatakot na eh. Halos tawagin ko na lahat ng pangalan ng santo na kilala ko dito.

Ilang segundo rin akong nakapikit dito na naghihintay. Pero bakit wala atang dumating? O baka naman nabingi nalang ako sa grabe ng intensity ng sigaw niya?

Dahan-dahan ko namang binuklat yung mata ko para silipin yung nangyari. Pero nagulat lang ako sa reaksyon na nakita ko sa mukha niya.

Nakangiti. Nakangiti lang naman siya. Bakit nakangiti to? Hindi ba siya magagalit? Hindi ba niya ako sisigawan o mumurahin? Diba yun naman palaging nagiging reaksyon ng mga artista sa TV kapag may ganitong eksena? Pero bakit siya nakangiti???

Bingyan ko nalang siya ng nagtatakang tingin. At mas lalong lumapad lang ang ngiti niya. Syet. Nakakasilaw.

"H-Hindi ka magagalit?" tanong ko nalang sa kaniya.

"Hindi." nakangiting sagot niya lang.

Pero seryoso ba talaga to? Hindi man lang siya magagalit sa nangyari? Aba. Baka nananaginip lang ako? Tama. Baka panaginip lang to. Agad ko naman pinisil ng malakas ang pisngi ko. Pero masakit eh! Ibig sabihin in real life to? Hindi talaga to panaginip.

"You're so funny." sabi nalang ulit nung lalaki at tumawa nang makita ang reaksyon ko.

At aba. Pagtawanan ba naman ako? Ano ako clown? Grabe naman to. Nakakatawa lang siguro yung reaksyon ko kaya ganun. Pero hindi niyo naman ako masisisi siguro.

"Pero seryoso hindi ka talaga magagalit?" panigurado ko.

Hindi naman sa gusto ko siyang magalit or sigawan ako, pero naninigurado lang talaga. Buti na ang sigurado. Diba?

"Hindi. Paano ba naman ako magagalit sa ganiyan ka ganda?" sabi niya nalang habang nakangiti pa ring nakatitig sa akin.

Hala. Bigla naman akong namula dun sa sinabi niya. At nakuha pa niyang mambola ha? Ako? Maganda? Wow ha. Bolero!

"Hindi ako bolero. Nagsasabi lang ako ng totoo." muli niya namang sabi.

Hala, nabasa niya ba iniisip ko? O baka napalakas lang yung pagbulong ko. Nakakahiya naman kung ganun.

"Pero Sir, nadumihan ko yang mamahalin niyong suit." sabi ko nalang para maka-change topic. Sabihin pa daw naman kung ano ang obvious.

"Ayos lang yun. And besides, pwede ko namang hubarin to eh." sabi niya.

In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon