Chapter 30- Ultimatum

7 1 0
                                    

"Sige Alex. Importante lang kasi talaga to. Thank you."

Agad ko namang binaba ang cellphone ko after I ended the call. I was just talking to Alex over the phone para pakiusapan siyang bantayan ng mabuti si Belle. Nakauwi na rin naman kami mula sa escapade namin dun sa Cebu kaya nasa condo na sila ngayon. Buti nga eh, nakalusot kami dun sa sandamakmak na press bago pa kami makapunta sa airport. Hassle lang kasi eh. Kung wala lang naman sana yung bwisit na nag-upload nung picture edi sana ayos ang lahat ngayon. Sana hindi kami namomroblema ngayon. Ang laking pahamak kasi.

Well on the other note, maybe you're wondering why I am leaving Belle on the comforts of Alex. Actually kung ako lang masusunod, dadalhin ko naman siya talaga eh. Kaso sabi ni Mommy over the phone earlier that she wanted to talk to me PRIVATELY. In-emphasized niya pa yung privately kasi ayaw niya daw ng asungot. Pero sabi niya sa akin na sa coffee shop daw namin ko siya puntahan dahil dun kami mag-uusap. Ironic nga eh, kasi sabi niya 'privately' at ayaw niya daw ng asungot, pero sa coffee shop kami mag-uusap? Sa isang public place?

Hindi ko alam kung anong klaseng hangin ang umihip kay Mommy pero mas mabuti na lang na sumunod ako. Palagi na lang kasi kaming nagbabangayan. Nakakapagod lang din minsan. And besides, masama kasi kutob ko sa gusto niyang sabihin sakin. Nararamdaman ko yan. Baka siguro tungkol dun sa may issue sa picture. Kasi naman kung di ba naman ako engot, hindi sana mangyayari yun.

Pinabilis ko na lang yung pagpapatakbo ko sa kotse ko kasi baka kanina pa siya naghihintay. Hinding-hindi pa naman nun gusto na late ka o pinaghihintay mo siya. Haay. Ang hirap maging anak ng isang Georgina Lopez.

After a few minutes, I parked my car in front of our coffee shop. I turned off the machine, grabbed my keys and went outside. Nang nasa labas na ako ng coffee shop, hinarap ko muna ito and delivered a sigh. Isa lang ang coffee shop na ito sa madaming investments ni Mommy from the money we earned. Sabi niya kasi, show business is not forever. Kaya dapat mag-invest kami sa mga bagay na permanent. But she also said that I should also make the best of it as long as I can.

Pumasok na lang ako sa loob and tried to brush off the thoughts that is clouding my mind. Nang makapasok na ako, may nakita rin akong mga tao na customers. Hindi naman siya masyadong madami. Mga sampung tao lang naman siguro. But I still can't figure out why my mom would like to talk things out in this place.

Ginala ko nalang ang paningin ko sa loob and then my eyes landed on her. She looks so serious kaya mas lalo akong kinabahan. Nandoon siya sa may pinakadulong banda sa may kaliwa ng coffee shop. Agad ko namang tinungo iyon.

"Good morning Mom." bati ko sa kaniya ng makarating na ako sa kinauupuan niya.

Tumayo naman siya and greeted me back. I gave her a quick peck on the cheeks ang hugged her.

"Take a seat." sabi niya with that serious tone.

Agad ko namang sinunod ang utos niya and took a seat in front of her. I looked at her face. I can feel that something worst is about to happen. Seryoso ang mukha. At alam kong galit siya sa mga oras na yun.

"Being fully educated from a prestigious school, I assume that you have figured out by now why I decided to meet you here." panimula ni Mommy with that very cold tone. Nagsimula naman akong kabahan.

Trouble na talaga to. Nadamay na kasi pati school ko eh.

"The picture." tipid kong sagot.

"It's good that you have figured it out. And now, I want to be straight to the point Zachary. Stay Away from Belle." sabi ni Mommy putting an emphasis on the last statement.

In TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon