Adrian's POV
lumipas ang araw at natapus na ang aming sports festival. Bumalik na sa normal ang lahat at nagsimula nang muli ang klase. Hindi ko masasabing madali ang mag-aral sapagkat hindi ko naman talaga hilig iyon pero sa tingin ko kailangan ko talaga magsikap para sa akin at para sa taong mahal ko.
nakikita ko kasi kung paano magsikap si Jomel sa pag-aaral niya, ayaw ko namang ipakita sa kanya na hanggang dito lang ang limitasyon ko. Gusto ko rin kasing ipakita sa kanya na kaya ko siyang buhayin kahit na wala ang yaman ng parents ko.
"anong gagawin mo ngayong hapon?" tanong ko kay Jomel na ngayo'y nagbabasa ng libro sa aking tabi.
"wala naman, pupunta lang ako sa theater club dahil pinapatawag nanaman ako ni president para sa gagawin naming activity..."
"anong activity nanaman ba yan? Eh hindi ba 1st year palang tayo kaya dapat mga seniors lang ang gumagawa ng mga ganyan..."
ayaw ko sanang mag bunganga sa kanya kaso kasi lagi nalang siyang pinapatawag ng kumag na Gaizer na yun. Hinala ko nga eh may gusto yun kay Jomel. Malaman ko lang talaga na magtangka siyang dampian si Jomel ay babasagin ko ang mukha niya.
"kaya nga eh, ewan ko ba kay Gaizer lagi nalang akong pinapahirapan..." reklamo nito.
"edi wag ka na pumunta..."
"eh saan naman ako pwedeng pumunta kung hindi doon?"
isa sa mga nakakatuwa sa relasyon namin eh nasasabi namin ang lahat ng saloobin namin at nagkakasundo kami. Siguro sobrang komportable na namin sa isa't isa at lagi naming kinukwento yung mga reklamo namin sa ibang tao hahaha.
"sa gym, may practice ako mamaya after class, pwede mo ko panuorin habang nagpapractice..."
kumunot ang noo niya ngunit tumango nalang siya. Nginitian ko lang siya at kinurot ang kanyang pisngi.
...
pagdating namin sa gym ay pinaupo ko muna siya sa bench sa harapan para makita ko siya agad paglabas ko ng locker room. Marami-rami rin kasi ang taong nakatambay ngayon sa gym.
pagtapus kong magpalit ng damit ay nagsimula na kaming mag ensayo. Habang nagdidrible ako ay hinahanap ko si Jomel, tinitignan ko kung pinapanuod niya ba ako pero napahinto ako nang makita ko siyang may kausap na lalaki. Si Gaizer iyon at mukhang masaya sila pero iba ang dating sa akin ng senaryong iyon kaya sinadya kong ibato yung bola sa lalaking kausap ni Jomel imbis na sa kakampi ko.
"sorry napalakas yung bato ko!" sigaw ko sa mga ka team mate ko. Lumapit ako sa kanilang dalawa at humingi ng dispensa saka pinulot ang bola. Sinulyapan ko si Jomel at mukhang alam naman niya ang gusto kong iparating kaya tumahimik na siya sa kanyang upuan.
pagtapus ng kalahating minuto ng pagsasanay ay pinagpahinga muna kami saglit kaya pagkakataon ko na iyon upang makalapit sa lalaking halata ang pagkainip sa kanyang mukha.
"magpapahinga lang kami saglit tapus practice ulit..." sabi ko sa kanya.
"tara nga dito." akala ko kung ano ang gagawin niya at pinalapit niya ako sa kanya, yun pala eh pupunasan niya lang ang mukha ko.
"pawis na pawis ka, hindi ka man lang nagpunas bago ako puntahan dito..."
hindi ko pinakinggan ang sinabi niya at dinama lang ang ginagawa niya sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang kiligin.
"pagtapus natin nito punta tayo kay dad." alam kong out of the blue yung sinabi ko kaya hindi na ako nagulat nang mabigla siya.
"bakit tayo pupunta dun?"
BINABASA MO ANG
My Heroin 2 : I love you , Do you know?
Любовные романыWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...