Jomel's POV
"Club orientation is coming this Friday, did you think of a club yet?"
ilang segundo kaming napatulala dahil nagsalita si Sebastian. Nagkatinginan kaming dalawa ni Navid at muling humarap sa kanya.
"not yet." sagot ni Navid
"I think theater club is a good one." tugon ko na sinang-ayunan naman ni Sebastian.
"uy Mel!" napatingin ako nang may tumawag sa akin. Si Adrian iyon, lumapit siya sa amin at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Sebastian.
"everyone is looking at you, you're quite a famous" sabi ni Navid. Napatingin naman ako sa paligid at tama nga siya, maraming nakatingin sa amin.
itinanggi naman ito ni Adrian agad. Ipinakilala ko si Adrian kay Sebastian at nagkamayan silang dalawa.
"do you have plan after class?" tanong ni Sebastian. Sasabihin ko sanang wala kaso inunahan ako ni Adrian magsalita.
"Jomel and I are going to mall after class, right?" tumingin ito sa akin at kumindat. Tinignan ko naman siya na parang nagtatanong ako kung anong sinasabi niya. Wala naman kasi kaming napag-usapan kahapon o nung nakaraan.
ano bang pinagsasabi nito?
"I'm going to visit someone after class..." napatingin naman ako ngayon kay Navid nang sabihin niya iyon.
"who will you visit?" tanong ko. Tinignan lang nito at kinindatan.
"ok, well maybe next time I can treat you some drinks if you want..."
sumang-ayon naman ako sa suhestiyon niya pero pagtapus non ay muli akong napatingin kay Adrian na nakangiti lang habang kumakain.
...
"bakit ba tayo pumunta dito?" naiinis kong tanong. Matapos kasi ng klase namin ay binulaga niya ako sa harap ng classroom at hinila na palayo. Ni hindi man lang ako nakapagpaalam ng maayos kay Navid at Sebastian.
dinala niya ako sa mall na lagi naming pinupuntahan noong senior highschool. Marami rin ang pinagbago nito, may mga nabago at napalitang store.
"gusto ko kasi maglaro ng arcade eh kaso wala akong kasama kaya sinama nalang kita..."
pumunta kami dito para mag arcade?
"hindi ka pa rin talaga nagbago no?" sarkastiko kong sabi sa kanya.
"oo mahilig pa rin ako mag arcade..." mukhang hindi niya ata naiintindihan ang sinasabi ko kaya binatukan ko siya.
"hindi yon! Ang sinasabi ko bossy ka pa rin, ang hilig mong mandamay sa katarantaduhan mo eh no..."
natawa naman ito sa sinabi ko at inakbayan ako.
"eh syempre kailangan ko ng kasama ngayon, alam ko namang sasamahan mo ako eh..."
napangisi lang ako sa kanya at naglakad na kami papunta sa arcade.
Gaya ng nakagawian, siya lang yung naglalaro habang ako nakatingin lang sa kanya habang naglalaro at hinihintay siyang mapagod para makakain na kami. Nagugutom nanaman ako dahil ang dami kong nakikitang pagkain sa labas ng arcade.
"tara Mel, samahan mo ko maglaro..." hinila niya ang ako papunta sa isang station na may mga pekeng baril na nakatapat sa screen.
"maganda tong laro na 'to dali i-try mo..."
ipinahawak niya sa akin ang isang baril at naghulog siya ng token.
"babarilin mo lang yung mga zombie hanggang sa maubos sila...."
BINABASA MO ANG
My Heroin 2 : I love you , Do you know?
RomanceWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...