Chapter 08

851 32 0
                                    

Jomel's POV

tahimik lang ako nakatitig sa kawalan. Ilang araw na akong walang gana. Wala pa rin ako sa aking sarili at hindi ko pa rin alam ang susunod na gagawin.

"let's eat, the class ended..." narinig ko ang boses ni Navid sa aking likuran ngunit hindi ako kumibo.

"what happened to him?" naring kong bulong ni Sebastian.

"come on! You can't do that to yourself, let's eat and don't let me drag you down to the cafeteria..."

hinawakan ako ni Navid ngunit hindi pa rin ako kumibo. Nabigla ako ng hilain niya ako palabas ng classroom. Wala na akong nagawa kung hindi hayaan siya. 

nang makarating kami sa canteen ay inupo ako nito at ilang saglit pa ay nilapagan ako nito ng pagkain. Tinitigan ko lang siya ng masama sa ginawa niya.

"Eat it." utos nito.

"hey what're you doing?" napalingon kaming dalawa sa lalaking dumating. Si Adrian ito at may dalang plato na may lamang pagkain.

"talk to him, I have something to do..." tinignan ako nito at nagpaalam sa akin. Itinaas ko lang ang gitnang daliri ko sa kanya.

pag-alis niya ay lumapit sa akin si Adrian. Nakaramdam ako ng hiya dahil hindi man lang ako nagpaalam sa kanya nung birthday ng mommy niya. Ilang araw akong hindi nagparamdam sa kanya at hindi rin ako nagrereply sa mga messages niya. 

"anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang itsura mo?" inilapag niya ang kanyang pagkain sa lamesa at umupo sa harapan ko.

"Bakit hindi ka nagrereply sa mga message ko? Hindi ka man lang nagsabi sa akin nung nakaraan na uuwi ka..."

yumuko ako dahil ayaw ko siyang tignan. Ayaw ko ring tignan niya ang nakakahiya kong itsura. 

"pasensya na, kailangan ko lang mapag-isa..." 

"ano bang nangyari sayo?" 

hindi ako sumagot at nanatili lang sa aking posisyon.

"anyway kumain ka na muna, kailangan mo yan..."

...

"saan mo gustong pumunta? Mabuti nalang at nagkaroon ng meeting ang mga professors kaya maaga sila nagdismiss ng klase..." 

nakatulala lang ako sa kawalan habang naglalakad at katabi ko si Adrian. Sinabihan niya ako kanina na susunduin niya ako sa klase. Hindi naman ako pumayag o huminde sa kanya pero nandito siya ngayon. Kanina pa siya nagsasalita pero hindi ko magawang makinig dahil iniisip ko si Mantha.

"ano bang nangyari sayo nung birthday ni mommy? Bakit umuwi ka ng di nagpapaalam sa amin?" 

dahil sa tanong niya ay napahinto ako sa paglalakad.

"w-wala, tumawag kasi si mama kaya hindi na ako nakapagpaalam sa inyo..." rason ko.

"ayos ka lang ba talaga? May nangyari ba?" 

gusto ko sanang magsinungaling ulit pero mukhang pag sinabi kong ayos lang ako ay hindi siya maniniwala. Alam kong kilala ako ni Adrian ngunit hindi niya ako pinilit na magkwento o magsalita kahit kailan sa tuwing may iniisip ako.

"nag-usap kami ulit ni Mantha..."

humarap siya sa akin nang sabihin ko iyon

"anong nangyari?"

hindi ko na kinaya ang bigat at  biglang tumulo ang luha sa aking mata. 

"pinili niya si George. Akala ko ako ang pipiliin niya, umasa ako dahil ipinaramdam niya sa akin kung gaano ako kaimportante sa buhay niya."

My Heroin 2 : I love you , Do you know?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon