Chapter 29

103 6 0
                                    


George's POV

"oh nandito na pala kayo, ilagay niyo na yung mga gamit niyo sa likod ng van."

pagdating namin ni Mantha ay agad kaming binungaran ni TJ.

nilibot ko ang mata ko at nakita kong kumpleto na kami at kami nalang pala ang hinihintay.

"ang tagal niyo, aabutin na tayo ng tanghalian papuntang Zambales..." inis na sabi ni Adrian na siyang nakaupo sa driver's seat.

nagmadali na kaming ilagay ang mga gamit namin sa likuran ng van at umupo na sa bakanteng upuan.

Dahil halos dalawang buwan nang wala si Kyle at dalawang buwan na rin namin siyang di nakakausap ay napagdesisyunan naming puntahan siya sa Zambales. Mabuti nalang at natrack ni Mantha ang location ng phone niya kaya nalaman namin kung na saan siya.

nag-aalala na ako sa kalagayan niya at alam kong maging ang iba naming kaibigan.

habang na sa byahe ay tahimik lang akong nakasilip sa bintana habang iniisip kung kumusta na si Kyle at ang mga senaryong maabutan namin pagdating doon. Imbis na magalak ako ay nakakaramdam ako ng kakaiba. Papalit na kami sa sa Zambales at habang papalapit kami sa resort nila Kyle ay nakaaninag ako ng tatlong nakaparadang sasakyan ng mga pulis sa tapat ng resort. Kumabog ang aking dibdib sa sobrang kaba.

"anong nangyari!?" maging si Brent ay biglang nataranta. Paghinto ni Adrian sa sasakyan ay nagsibabaan kaming lahat at agad na pumasok sa resort. Sa loob ay nakita namin ang pamilyar na babae habang kinakausap ang mga pulis. Mommy ito ni Kyle at kita sa bakas sa mukha nito ang pagkalungkot dahil sa namumugto niyang mata. Nang makita niya kami ay agad ko itong nilapitan.

"ano pong nangyari? Na saan po si Kyle?" tanong ko.

tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata at kumapit sa akin.

"nawawala ang anak ko George. Nagsisisi ako, nagsisisi ako sa ginawa ko. Kung tinanggap ko lang sana siya, hindi sana magkakaganito ang lahat..."

natulala ako sa sinabi ng mommy ni Kyle. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at nanlamig ang aking buong katawan.

...

Adrian's POV

"may balita na ba?" tanong ko pag-upo ni George.

matapos naming malaman ang balitang nawawala si Kyle ay tumawag agad kami ng mga responde para hanapin si Kyle sa lugar na nakapalibot sa resort.

"wala pa, kasalukuyan pa silang naghahanap..."

ramdam ko ang bigat at lungkot sa aming lahat. Si Kyle ang isa sa mga maunawaing tao na kilala ko. Isa siya sa mga tumutulong at kumakausap sa amin pag kami ay nagkakaproblema. Nakakalungkot lang na umabot sa ganito ang lahat at sa puntong ito hindi na namin alam ang mga posibleng nangyari sa kanya.

"sana maayos ang kalagayan niya..." sabi ni TJ. Maging kami ay pareho lang ng hinihiling, ang sana'y na sa maayos siyang kalagayan.

napatigil kaming lahat nang marinig namin ang tunog ng telepono ni George, sinagot niya ito at nakita ko kung paano magbago ang ekspresyon niya habang nakatingin sa amin.

matapos ng pag-uusap ay dinala kami ni George sa pampang ng di kalayuang beach kung saan naroon ang mommy ni Kyle at mga pulis. Iniharap nila sa amin ang mga naiwang gamit ni Kyle na natagpuan sa pampang. Naroon ang kanyang wallet at mga identity card. 

"malakas ang alon sapagkat malapit na magdilim kaya hindi imposibleng nalunod ito sa dagat. Susubukan pa naming hanapin ang kanyang katawan ngunit sa ngayon ay iyon ang aming konklusyon..."

napaupo nalang ang mommy ni Kyle habang pinapakinggan ang mga sinasabi ng pulis. Maging kami ay hindi makapanawala sa nangyari at para bang gusto ko nalang isipin na lahat ito ay panaginip lang...

narinig ko ang paghikbi ni Jomel na yumakap sa akin matapos marinig iyon. Hinaplos ko ang kanyang likuran upang siya ay kumalma.

"hi-hindi pa naman sigurado iyon hindi ba?" nakatingin lang kami kay TJ na pilit na nagiging positibo sa kabila ng lungkot na nararamdaman nating lahat.

"ano ba guys! Wag nga kayong mag-isip ng ganyan, buhay pa si Kyle!" Nagulat kaming lahat nang magtaas ng boses si George. Alam naming sa lahat ay siya ang pinakamalungkot sa nangyari dahil bukod sa aming dalawa ni Mantha ay si Kyle ang palagi niyang kasama.

nilapitan siya ni Mantha at niyakap upang pakalmahin. Pinipilit kong pigilan ang aking pa-iyak, maging ang iba ay ganun din ang ginagawa...

...

tatlong araw silang naghanap ngunit sa kasamaang palad ay walang nahanap ang mga pulisya. Ang huli nilang nakita ay isang kwintas na pagmamay-ari ni Kyle at doon idineklarang patay na siya at ang sanhi nito ay pagkalunod. Lahat kami ay hindi pa rin makapaniwala lalo na ang mommy ni Kyle. Dahil walang nakitang bangkay ni Kyle ay hindi na nagkaroon ng lamay o kung ano man. Sinamahan namin ng ilang araw ang mommy ni Kyle sa resort at sa ilang araw na iyon ay kinuwento sa amin ng mommy ni Kyle ang nangyari. Sa puntong iyon ay ramdam ko ang pagsisisi niya dahil sa ginawa niya sa anak niya. At dahil sa nangyari ay umuwi kami ng Maynila nang mabigat ang loob. Halos lahat kami ay hindi makapag-usap. Maging si Jomel ay hindi ko masyadong makausap dahil alam kong mabigat din ang kanyang nararamdaman. 

Ilang araw siyang ganoon at ilang araw ko ring pinipilit na pagaanin ang kanyang loob hanggang sa paunti-unti ay bumabalik na kami sa dati. Naaalis kasi sa isip namin ang bagay na iyon dahil sa dami ng ginagawa namin sa eskwelahan. Mabuti na rin siguro iyon dahil hindi naman siguro gusto ni Kyle na magluksa kami habang buhay hindi ba?

apat na buwan matapos ang insidente ay nagkaroon kami ng salo-salong magkakaibigan, inaya kami ni Sebastian sa kanila dahil alam niyang hindi na kami masyadong nagkakausap.

pagpunta namin sa bahay nila ay nakita ko ang iba pa naming kaibigan. Sinalubong kami ni Jomel ng mga tingin nila. 

"oh nandito na pala kayo, tara na kumain na kayo..." sabi ni Brent.

umupo na kami sa bakanteng upuan at kumuha ng plato. Pansin ko ang pagkatahimik ng paligid hindi gaya ng nakasanayan kong ingay sa tuwing nagkakasama kaming lahat. Siguro nga'y mahirap talagang tanggapin na may nawala sa amin.

"ano ba guys! Wag naman kayong ganyan. Hindi gugustuhin ni Kyle na makita tayong ganito. Ngumiti naman kayo na sa harapan tayo ng pagkain oh!" ramdam ko na pilit na ipinapakita ni TJ na masaya siya kaya nakisabay na rin ako sa kanya.

"kaya nga, wag naman kayong ganyan, mahiya naman kayo kay Sebastian..." pag sang-ayon ko.

"no it's fine..."

natahimik kaming lahat at napatingin kay Sebastian na nagulat dahil nakatingin kaming lahat sa kanya.

"naiintindihan mo kami?" tanong ni Jomel.

"yeah, I've been here for one and a half year already so I know some Filipino words now..."

lahat kami ay natuwa hindi dahil mabilis siyang natuto ng wikang Filipino ngunit dahil hindi na namin kailangan mag ingles tuwing kausap siya.

dahil dito ay nabaling ang atensyon naming lahat kay Sebastian at sa saglit na panahon ay nakalimutan namin ang pangyayaring iyon.

ngunit hindi namin siya makakalimutan, mananatili siyang kaibigan sa paningin namin kahit na sa ibang dimensyon na siya ngayon nabubuhay...

To Be Continued...

Author's Note: The last chapter will be a teaser for the book 3 of My Heroin! Hindi pa dito nagtatapos ang lahat. Marami pa tayong malalaman tungkol sa pag-iibigan at pagkakaibigan nila.

My Heroin 2 : I love you , Do you know?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon