Adrian's POV
matapos naming kumain ng tanghalian ay nag ikot-ikot kami saglit sa mga stall ng bawat college department. Mabuti na lang at exempted ako dahil varsity player ako kaya hindi ko na kailangan na sumali sa gagawin nilang pakulo. Ganun rin sina Jomel at iba ko pang kaibigan dahil kasali sila sa mga event.
"barbeque grill pala naisipan nilang gawin..." bulong ni Jomel sa akin.
"oo wala na ata silang maisip na ibang pakulo para makakalap ng pondo ng department..." kasunod nun ay nagtawanan kami.
napatigil kami nang may tumawag sa amin. Sina Kyle ito kasama yung dalawang banyaga.
"why are you here? I thought you are in the theater..." sabi ni Navid kay Jomel.
"it's already done. We're just walking around..."
tinalikuran ko sila saglit at tumingin sa paligid. Nagulat ako ng bigla akong hablutin ng isang babae.
"teka saan mo ko dadalhin?" tanong ko sa kanya habang hinihila niya ako papunta sa isang stall.
"basta malalaman mo rin..."
...
Jomel's POV
napalingon ako sa aking likuran at nagtaka ako dahil biglang nawala si Adrian.
"saan pumunta si Adrian?" tanong ko kay Kyle. Tumango ito habang nakatingin sa aking likuran.
tumingin ako sa direksyon ng mata ni Kyle at nakita ko si Adrian na nakatayo sa isang maliit na platform kasama ang tatlo pang lalaki. Pinalilibutan sila ng napakaraming tao.
"hi everyone! sisimulan na natin ngayon ang auction!"
nanlaki ang mata ko nang marinig ko iyon,nakita kong ganoon din ang reaksyon ni Adrian. Pagtingin niya sa akin ay nagkibit-balikat lang siya ngunit halata mo sa mata niya ang kaba.
"kung sino man ang mananalo ay makakadate ng buong gabi itong mga naggagandahang lalaki sa inyong harapan..."
lalo ata akong nanlamig sa narinig ko at napahawak ako sa aking bulsa.
dalawaang daan lang ang meron ako dito. Tangina hindi 'to pwede!
"so candidate no. 1 please come in front" lumapit na ang unang kandidata. Mabuti na lamang at panghuli pa siya. Hindi niya iniaalis ang tingin niya sa akin at parang nagmamakaawa siya na alisin sa platform na iyon.
sinesenyasan ko siya na wala akong pera pero umiling lang ito.
hindi ko alam kung matatawa ba ako o kakabahan sa nangyayare. Humarap ako sa tatlo upang humingi sana ng tulong pero wala na rin sila.
saan naman nagpunta yung mga mokong na yun!?
sinusubukan kong tawagan si George pero hindi ito sumasagot.
"our last candidate please step forward..."
nang marinig ko iyon ay bigla akong nataranta at lumapit sa platform.
"he is a varsity player of our school, Napakapogi at hunk. Who wants to date him?"
napataas agad ako ng kamay at sabay sabing "200!"
tumahimik ang lahat at tumingin sa akin.
"seriously?200?How cheap!" sigaw ng isang babae at nagtawanan sila.
nanliit ako habang nakatingin kay Adrian. Parang gusto kong humingi ng pasensya sa kanya. Totoo naman napakaliit ng 200 pesos para sa tulad niya. Parang nainsulto ko pa ata siya.
BINABASA MO ANG
My Heroin 2 : I love you , Do you know?
Любовные романыWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...