Chapter 27

95 5 0
                                    

Adrian's POV

"ok ka lang ba? Kanina pa kita napapansin na parang may iniisip ka?"

napalingon ako kay Jomel na ngayo'y nakatitig sa akin.

Hindi ko alam kung bakit biglang dumapo sa akin ang kwestyon na iyon. Hindi maalis sa isip ko ang tanong na iyon. Kung mahal ba talaga ako ng taong kaharap ko ngayon o ginagawa niya lang akong panakip butas?

Hindi ko alam kung bakit naapektuhan ako bigla sa tanong na iyon gayung alam ko naman at nakita ko ang proseso at progreso ng relasyon namin ni Jomel.

kaso hindi ko kasi nababasa ang na sa utak niya.

marami akong gustong itanong, marami akong gustong sabihin ngunit umiling lang ako at nginitian lang siya.

"if something bothers you, you can tell me ok?" sabi nito.

"pwede bang umalis ka na sa club na yun?" tanong ko sa kanya.

saglit siyang napahinto at tinitigan ako.

"you mean sa theater club?"

huminga ako ng malalim bago tumango ng ilang beses sabay balik sa pagkain.

"I can't."

napahinto ako at hinintay ang sunod niyang sasabihin.

"I'm the secretary of the theater club now, may responsibilidad na ko sa club na yun kaya hindi ako pwedeng umalis."

inilapag ko ang hawak kong kutsara at umayos ng upo.

"Akala ko ba ayaw mo sa president ng club na yun? Why don't apply for another club? Pwede namang sa journalist-- sa ibang club, marami namang club sa school."

nginitian niya ako at pinunasan ang kanyang bibig.

"Alam ko kung anong na sa isip mo, hindi ko naman talaga gusto yung Gaizer na yon. I'm just being responsible for the position I have in the club. Wala ka naman dapat ikaselos sa lalaking yun..."

paano kung malaman mong balak niya tayong paghiwalayin?

gusto ko sanang itanong sa kanya iyon ngunit naisip kong baka isipin niyang masyado akong nag-iisip ng kung anu-ano.

pagtapus naming kumain ay umuwi na kami sa condo unit ko.

...

"anong naisip mo't nag-aya ka mag-inom ngayon?" tanong ni Mantha pagdating niya sa kinauupuan ko.

narito kami ngayon sa isang bar. Pagtapos kasi ng klase ko ay nagpaalam sa akin si Jomel na pupunta siya ng theater room para sa gagawin nilang theater play. Wala rin kaming training ngayon kaya nag-aya nalang akong makipag-inuman kay Mantha na wala ring ginagawa.

"wala naman, I just want to loosen a bit." sagot ko.

umupo siya sa aking tabi at um-order ng kanyang inumin.

"sa tingin ko may gusto kang sabihin sa akin..." sabi nito. Mukhang nabasa niya ang na sa isip ko.

"actually I want to ask you something..." lumagok muna ako ng alak bago magsalitang muli.

"nag-uusap pa ba kayo ni Jomel?"

napahinto siya sa pag-inom ng alak at nilingon ako.

"hindi na masyado, busy kasi ako sa trabaho at kay George..."

parang umurong ang nakatusok sa aking dibdib nung sabihin niya iyon.

"sa tingin mo ba may gusto pa rin sayo si Jomel?"

muntik na niyang mabuga ang kanyang iniinom sa tanong ko.

"baliw ka ba? Wala na kaming feelings sa isa't isa. Matagal na kaming wala bro."

My Heroin 2 : I love you , Do you know?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon