Chapter 28

97 6 0
                                    

Kyle's POV

matagal na katahimikan ang bumalot sa aming dalawa ni mommy matapos kong umamin sa tunay na pagkatao ko at sa relasyon namin ni Navid. Hindi niya itinanggi ang paratang ko sa kanya ni hindi siya kumibo.

ilang segundo pa ang lumisan bago ko muling marinig ang boses niya sa kabilang linya.

"uuwi ako dyan sa Pilipinas, mag-uusap tayo." 

matapos niyang sabihin iyon ay ibinaba na niya ang tawag.

nakaramdam ako bigla ng takot at pangamba. Alam ko ang kayang gawin ni mommy ngunit nagtitiwala ako na matatanggap niya ako. 

"are we gonna be alright?" nilingon ko si Navid at nginitian.

"everything's gonna be alright..."

hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay.

"I'm with you, we're going to face it together..."

sabay kaming lumingon sa magulang ni Navid. Bakas ang kaba at nerbyos sa kanilang mukha ngunit kailangan kong maging matatag.

"we trust you Kyle..." 

...

Jomel's POV

kasalukuyan akong nag-aayos ng mga props na gagamitin ng mga actors nang lapitan ako ni Gaizer. Nakaramdam ako ng inis nang makita ko siya, hindi na talaga ako komportable tuwing lalapitan niya ako.

"are you ok? You look pale..." hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa aking ginagawa.

"may mali ba akong nagawa?"

dahil sa tanong niya ay hindi ko na naiwasan ang aking sarili at humarap sa kanya.

"pwede po bang wag niyo akong kausapin kung hindi naman po tungkol sa club yung pag-uusapan natin?"

medyo nabigla siya sa sinabi ko ngunit ngumisi din siya agad.

"why? did I make you uncomfortable?" 

lalo akong nairita sa tanong niya dahil nagpapanggap siya na wala siyang alam.

"yeah, please distance yourself to me."

tinalikuran ko na siya at umalis na sa storage room. Nagsimula nang mag ensayo ang mga aktor habang kami ay pinapanood lang sila. Pagtapus nun ay nagkaroon kami ng kaunting meeting. 

Paglabas ko ng theater room ay nakita ko si Adrian na nakatayo sa isang sulok habang may hawak na paper bag. Nilapitan ko siya at nginitian.

"wala kang practice ngayon?" 

niyakap niya muna ako bago siya sumagot.

"actually maaga natapos ang practice namin kaya naisip kong dalawin ka dito." 

nitong mga nakaraang araw matapos nung pag-uusap namin ay bumalik na siya sa dati. Siguro kailangan niya lang talaga ng kasiguraduhan para magpatuloy. Naisip ko rin kasi na hindi ko nga pala madalas sinasabi ang mga ganung salita sa kanya. Nakahinga na ako ng maluwag nang makita kong maaliwalas na muli ang kanyang mukha.

"saan mo gustong pumunta ngayon?" medyo nabigla siya sa tanong ko at hindi siya agad nakasagot.

"sakto tinanong mo yan, may gusto talaga akong puntahan ngayong araw..."

...

tahimik lang akong nanunuod kay Adrian habang siya ay naglalaro ng isang arcade game.

kahit na alam kong mahilig siya sa arcade ay hindi ko pa rin naisip na dito niya ako dadalhin.

My Heroin 2 : I love you , Do you know?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon