George's POV
"tinatanong kita kung may kinalaman ka ba sa balitang kumalat sa school..."
magkahalong kaba at takot ang nararamdaman ko nung sandaling banggitin niya ang bagay na iyon. Hindi ako makapagsalita sa sobrang kaba, hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Maraming pumapasok sa utak ko na mga bagay na posibleg mangyari.
paano pag sinabi ko sa kanya ang totoo? Maaaring magalit siya at tuluyan na akong iwan dahil yun ang dahilan ng paglayas niya sa kanila.
pag hindi ako umamin ay lalo ko lang ipinapakita na kasabwat talaga ako nila lola.
"hindi sa ganun Manuel..."
nagulat ako ng ibagsak niya ang kanyang cellphone sa sahig, nagwatak-watak ang parte ng kanyang cellphone at kumalat ito sa sahig.
"bakit!? Bakit mo ginawa yun George!?" ang mga mata ay puno ng galit sa mga oras na iyon kasabay ng pagpatak niya ng kanyang luha.
nadismaya ko siya at maging ako ay naiinis sa aking sarili. Alam kong ganito ang mangyayari pag nalaman niya at dapat ay inihanda ko na ang sarili ko ngunit ngayong nangyayari na ito ngayon sa aking harapan ay wala akong magawa, hindi ako makapagsalita.
lumabas na siya ng kwarto at ibinagsak ang pinto.
iiwan na ba niya ako? Mawawala na ba siya ng tuluyan sa akin?
...
Jomel's POV
naglalakad kami ni Adrian sa hallway nang madaanan namin ang dean's office. Lalampasan sana namin ito ngunit nakita ko sa salamin ng opisina ang isang pamilyar na babae habang kausap nito.
si tita Samantha ang kausap ng dean, ang kapatid ni papa.
"anong tinitignan mo?" tanong ni Adrian.
nang makita niya kung ano ang aking tinitignan ay natahimik siya saglit. Nakita naming palabas na ito ng office ngunit hindi kami umalis sa kinatatayuan namin. Paglabas niya ay napahinto siya nang makita kami.
"anong balita naman ang ikakalat mo ngayon?" tanong ko sa kanya.
nakita ko siyang ngumisi. Ngising nakakainis, ang ngising nakita ko nung sandaling lumayas kami sa bahay ni daddy. Wala pa ring pagbabago sa kanya, ubod pa rin siya ng sama.
"nakakatuwa naman at nandito ka pa. Mukhang makapit talaga ang linta..."
"humanda ka ipapakulong ka namin, mayroon na kaming ebidensya laban sayo at sa nanay mo." si Adrian naman ngayon ang nagsalita. Naglakad siya mula sa aking likod papunta sa harapan ni tita Samantha.
nakita ko kung paano magbago ang ekspresyon ni tita Samantha nang makita niya si Adrian.
"e-Adrian?" nagtaka ako kung bakit ganoon ang reaksyon niya.
"paano mo ko nakilala?" tanong ni Adrian sa kanya.
hindi sumagot si Tita Samantha at tumalikod lang at nagmadaling maglakad palayo. Nagkatinginan naman kami ni Adrian.
"bakit natakot siya nang makita ka?" tanong ko.
"hindi ko din alam eh..." tugo nito.
napatigil kami nang mag ring ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito sa kanyang bulsa at sinagot ang tawag.
"yes po... opo... nakita po? Sige po papunta na ako dyan..." pagbaba ni Adrian ay agad ko siyang tinanong kung ano yun.
"nakita daw sa cctv yung nagdikit ng poster sa bulliten board. Tara puntahan natin sa security office..." sabi nito. Tumango naman ako at nagmadali na kaming maglakad.
BINABASA MO ANG
My Heroin 2 : I love you , Do you know?
RomansaWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...