Chapter 12

723 31 0
                                    

Kyle's POV

it's been two months but still I'm scared, scared of letting him come to my life again. Natatakot ako pero hindi ko mapigilan ang aking sarili. Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto sa akin ni Navid. Kaya siguro madali niya lang akong iniwan dati dahil alam niyang baliw na baliw ako sa kanya.

"hey!" kasalukuyan akong naglalakad nang makita ako ni Navid na siyang nakaupo sa bench sa tabi ng basketball court.

"don't you have class?" naiirita kong tanong.

"don't nag yet." nakita ko siyang dumukot sa kanyang bulsa. Inilabas niya ang dalawang ticket at ipinakita ito sa akin.

"I have the ticket of a new movie, let's watch..."

pagtapus nun ay hinila na niya ako. Hindi na ako nakapalag at ayaw ko rin naman umangal dahil gusto ko rin namang makasama siya. Sa totoo lang miss na miss ko siya, walang oras na hindi ko siya inisip nung panahong wala siya. Pilit kong binabalik balikan ang una naming pagkikita, ang unang beses na nakaramdam ako ng paru-paro sa aking tyan.

FLASHBACK

"Hi."

birthday ni George nung araw na iyon, kasalukuyan akong nag-iisa sa kanilang garden ng biglang may sumulpot na lalaki sa aking harapan.

napakatangos ng ilong nito at napakakinis ng mukha haluan pa ng hazel brown niyang mata at gold niyang buhok.

sa puntong iyon ay nakaramdam ako ng malakas na pagtibok ng aking puso at para bang sasabog ito kahit anong oras.

"are you George's friend? I'm Navid. Remember?" in-offer niya ang kanyang kamay. Tinitigan ko lang ito dahil hindi ko alam ang gagawin at hindi pumoproseso sa aking utak ang nangyayari.

"are you ok?" dahil dun ay inalog ko ang aking ulo.

tang ina naman, nagmukha akong tanga sa harapan niya.

"uhm yeah..." kahit na puno ng kaba ay tinanggap ko ang kamay niya at sa oras na magdikit ang kamay namin ay nakaramdam ako ng kakaibang sensasyon.

 matapos ng party na iyon ay kinuha niya ang aking numero kay George. Nagulat pa ako ng una dahil hindi ko inaasahan na itetext niya ako. Pagtapus nun ay naging magkaibigan kami hanggang sa ayain niya akong mag date.

"I want to date you..." naistatwa ako sa aking kinauupuan nang sabihin niya iyon. Kumakain kami ng tanghalian nun sa isang restaurant dahil kakatapus lang namin pumunta ng apartment na binebenta malapit sa amin, nagpasama kasi sa akin si Navid dahil balak niyang bumili ng apartment dito dahil gusto niya na atang tumira dito. 

hindi ko alam ang aking isasagot sapagkat walang pumapasok sa akin utak kung hindi ang mga salita niya.

"If you're not comfortable then I'll give you some time..."

dahil sa sinabi niya ay napataas ako ng boses.

"no! I mean... I'm fine with it. I mean I like you since the first day..." 

hays! bakit ko ba sinabi yung bagay na yun!

"really?" nakangiti nitong tanong.

napakagat labi nalang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin.

at doon na nagsimula ang aming relasyon. Masaya kami sa unang dalawang buwan na magkasama kami, walang away dahil magkasundo kami sa lahat ng bagay. hindi ko alam na sa kabila ng kasiyahang ito ay may kapalit na kalungkutan.Nagising na ako sa kanyang higaan na wala na siya. Hinanap ko siya sa bawat sulok ng apartment, sinubukan ko rinsiyang tawagan ngunit hindi siya sumasagot hanggang sa nakatanggap ako ng mensahe mula sa kanya.

From: Navid

I try my best to do everything but I realized I can't do everything. I'm happy that I met you. You are my first love and probably the last one. I'll be back please wait for me.

natulala ako sa aking nabasa at nagsimulang pumatak ang luha sa aking mata. Para akong ginising sa aking panaginip, sa isang iglap lang ay nawala ang lahat. 

sinubukan ko siyang habulin, nagmadali akong pumunta sa airport. Ramdam kong hindi pa siya nakakaalis. Habang na sa byahe ay tinawagan ko si George at ang sabi nito sa akin ay babalik na siya sa America. Tinanong ko kung ano ang dahilan ngunit hindi niya rin alam. Pagdating ko ng airport ay hinanap ko siya agad. Tinignan ang bawat mukha ng mga tao doon, umaasang makikita kong muli ang kanyang mukha ngunit nabigo ako. Wala akong nakitang Navid.

wala na siya, iniwan niya ako ng hindi man lang nagsabi kung ano ang kanyang dahilan. Iniwan niya ako basta-basta na para bang isa akong laruan na pwedeng itapon ano mang oras.

simula nun ay  araw na hindi ako pumupunta sa kanyang dating apartment na kanya na palang ibinenta. Umaasa pa rin ako na babalik siya kaagad ngunit lumipas ang isa hanggang dalawang taon ngunit wala pa rin siya. Miski anino o presensya niya ay hindi mo maramdaman. Tuluyan siyang naglaho sa buhay ko na para bang ilusyon lang ang lahat.

END OF FLASHBACK

ngayong nandito siya, natatakot ako. Natatakot na baka muli niya akong iwan ngunit paano ko nga ba pipigilan ang aking sarili. Naadik na ako sa kanya, sa kanya lang ako nabaliw, sa kanya lang umiikot ang mundo ko. Tatlong taon, tatlong taon ko si yang hinintay at kinaya ko ngunit kapalit nito ay ang pagkakaroon ng pangamba at takot.

sa sobrang lutang ko ay hindi ko namalayang nakapasok na pala kami sa sinehan. Pag-upo namin ay tahimik lang akong tumitig sa malaking screen sa aking harapan. 

Na sa kalagitnaan na kami ng palabas. Masaya ang palabas ngunit hindi ko alam kung bakit ako lumuha. Dulot ito ng magkahalong saya at lungkot na aking nararamdaman na aking pinipigilan nitong nakaraang buwan pa.

"hey why are you crying?" napansin niya ito agad. Humarap ako sa kanya at sa sandaling iyon ay niyakap ko siya.

"I miss you Navid..."

sa puntong ito wala na akong pakialam kung ano ang dahilan niya kung bakit siya umalis, ang importante sa akin ay nandito na siya at sa pagkakataon na ito ay hindi ko na hahayaang magkahiwalay kaming muli.

"I miss you too. I won't leave ever again..." dahil sa sinabi niya ay lalong umagos ang luha sa aking mga mata. 

"thank you for waiting. I'll make it up. I promise..."

...

Ginang Clarita's POV

"tinutulungan pa rin pala ni Joe ang mga hampas lupa na iyon, napaka kapal talaga ng mukha..." inilapag ko ng mariin ang tasa ng aking tsaa.

tinitigan ko ang litrato ng anak ni Joe sa labas at ang kanyang ina. Mukhang hindi pa ata sapat ang ginawa ko sa kanilang mag-ina. Matindi talaga ang kapit ng mga linta sa mga may pera. 

"matalino daw po ang batang iyan kaso nabalitaan ko po na may nakarelasyon siyang kapwa niya lalaki..."

baliko pala itong anak ni Joe sa labas. Alam niya kaya iyon? Wala man lang moral ang batang ito at mukhang hindi napalaki ng tama. Sabagay kanino ba naman siya magmamana? Malamang sa utak biya niyang ina.

"gusto kong ipakalat mo ang balitang iyan sa buong eskwelahan. Tignan natin kung hanggang saan ang kapal ng mukha ng batang iyan."

upang mamatay ang linta ay kailangan itong babaran ng asin nang mamatay at hindi na muling makadikit pa.

To Be Continued...

A/N: sa wakas pumasok na rin sa istorya ang malditang lola ni Jomel! HAHAHA. Ano kaya ang mangyayari sa muling pagpasok niya sa buhay ni Jomel?

My Heroin 2 : I love you , Do you know?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon