Jomel's POV
ito ang unang araw namin ni Navid sa CMU, sabay kaming nag-enroll sa kursong business administration. Napag-usapan namin ito ni Navid at napagdesisyunan naming yun nalang ang kunin namin dahil pareho naming balak na magtayo ng business in the future.
kasalukuyan kaming naglalakad papasok sa gate ng campus, marami ang nagbago sa eskwelahan kumpara sa itsura nito bago ako umalis ng bansa.
maraming nakatingin sa amin habang kami ay naglalakad, siguro ay dahil sa amerikanong kasama ko na tuwang tuwa sa mga nakikita niya.
"this school is beautiful..."
huminto ako at humarap sa kanya.
"one thing, watch your behavior ok?"
"I'm not doing anything..." pilosopo niyang sagot.
"I know you..."
at pagtapus nun ay naglakad na kami papasok ng building.
pagpasok namin sa klase ay naabutan namin ang professor na nagtuturo, bumati kaming dalawa at pinakilala namin ang aming mga sarili bago umupo.
"hi..." napalingon ako sa aking kaliwa nang makarinig ako ng boses. Nakita ko ang isang lalaki na nakangiti ng sobrang tamis at base sa itsura niya eh mukha siyang amerikano gaya ni Navid. Nginitian ko lang siya bilang tugon.
"I'm Sebastian..." nabigla ako ng hawakan nito ang aking kamay pero mas nabigla ako ng tapikin ni Navid ang kanyang kamay.
"don't touch him..." malamig ang pagkakasabi ni Navid ng mga iyon.
itinaas naman nito ang kanyang kamay na parang sumusuko siya.
"I'm sorry for my action by the way let's have a lunch together after this.."
mukha naman siyang mabait pero nakakabigla yung ginawa niya at ang weird.
"we're going to eat alone..." masungit na tugon ni Navid.
"it's fine with me, don't mind him..." dahil naawa ako kay Sebastian ay pumayag nalang ako. Siraulo kasi 'tong si Navid.
ngumiti naman ito at pagtapus nun ay nagfocus na kami sa klase.
...
George's POV
"itigil mo na yan, panglimang bote mo na yan..." pinigilan ni Brent ang aking pag-inom.
"ayos lang ako, kaya ko pa..." sagot ko sa kanya sabay lagok ng huling alak sa boteng hawak ko.
"paano ka naging ayos eh alam naman namin kung bakit ka nag-iinom..." hindi ko nalang pinansin ang sinabi ni TJ at binuksan ang isa pang bote at sinimulan itong inumin.
"sabayan niyo nalang ako, hindi ba sabi niyo gusto niyong mag-inom?"
sabay silang napakamot ng ulo at pinagdikit ang aming mga bote.
"narito daw si Navid ah, sabi sa amin ni Kyle..."
napahinto ako nang marinig ko ang pangalan ng aking pinsan na si Navid.
bakit siya nandito? Walang sinabi sa aking si daddy na bumalik siya.
"kamusta naman si Kyle ngayon?"
dahil nabanggit nila iyon ay hindi ko maiwasan mag-alala kay Kyle. Alam ko ang relasyon nilang dalawa ngunit hindi ko alam ang dahilan ng paghihiwalay nila at pag-alis ni Navid ng bansa.
"ok naman siya ngayon, nakatira si Navid sa bahay ni Jomel..."
tumango nalang ako at nagpatuloy sa pag-inom.
"sa tingin mo, mahal pa ba ni Jomel si Manuel?" tanong ko sa kanila.
"sa tingin ko mahal niya pa pero ayaw na daw niya..."
napahinto ako sa aking narinig at napatayo.
kailangan ako ni Manuel ngayon...
"may pupuntahan lang ako..." hindi ko na hinintay ang mga sagot nila at umalis na ako agad.
na saan ka Manuel? Kailangan niya ng karamay ngayon... kailangan niya ako ngayon...
nagpunta ako sa mga bar na lagi niyang pinupuntahan ngunit wala siya. Tinatawagan ko ang kanyang cellphone ngunit nagriring lang ito at hindi niya sinasagot.
hindi ko maiwasang maiyak dahil sa pag-aalala.
Hindi ko pala kaya, hindi ko kaya ang iwan siya. Hindi ko siya kayang makita na malungkot at miserable.
"na saan ka ba Manuel Tajez!" hinampas ko ang manibela sa sobrang inis.
halos dalawang oras na akong naghahanap sa kanya, kung saan-saan na ako pumunta ngunit hindi ko siya makita hanggang sa mapadaan ako sa madilim na eskinita malapit sa bahay niya. Nadurog ang puso ko ng makita ko siyang nakaupo sa gilid at nakapikit. Nagmadali akong bumaba at pinuntahan siya. Paglapit ko ay nakita ko ang mga sugat sa kanyang mukha at braso, punit din ang suot niyang polo at mukhang nakipag basag-ulo siya.
"ano bang ginawa mo..." sa sobrang pag-aalala ay niyakap ko siya at kasabay nun ang pagtulo ng luha ko.
sorry dahil hindi ko tinupad ang pangako ko, I'm sorry Manuel...
narinig ko rin ang paghagulgol niya habang siya ay nakasubsob sa aking dibdib.
"akala ko hindi na kita makikitang muli..."
lalo akong nadurog sa aking narinig.
sinubukan ko Manuel pero hindi ko kaya ngayong nakikita kitang ganyan, mukhang hindi ko kaya...
"shhh... Nandito na ako, di ako aalis sa tabi mo..."
dahan-dahan ko siyang itinayo at ipinasok sa aking kotse.
"wag muna tayong umuwi sa bahay..." sabi nito.
tumango lang ako at pinaandar na ang aking kotse papunta sa bahay. Pagdating namin ay inalalayan ko siya sa sala at iniwan saglit upang kuhain ang medicine kit. Pagdating ko ay nakita ko siyang nakahiga na at tulog. Nilapitan ko siya at tinignan ang kanyang mukha na puno ng sugat. Muli akong nadurog at nakonsensya dahil nangako ako sa kanya. nangako ako na hindi ako aalis sa tabi niya ngunit hindi ko iyon tinupad. Alam kong nasasaktan siya ngayon at masakit sa akin ang makita siyang nasasaktan.
nilinis ko ang mga sugat niya, hindi naman siya gumalaw o pumalag dahil sa sobrang lalim ng kanyang tulog, dahil siguro sa kalasingan.
hinawakan ko ang kanyang mukha at nilagyan ng band aid ang mga sugat niya. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin, natumba ako at nagdikit ang aming mga mukha't labi. Sinbukan kong umalis sa kanyang pagkakayakap ngunit diniin niya ako sa kanya. Hindi na ako nakalaban sa kanya at sumabay ako sa galaw ng kanyang labi. Tumigil kami saglit at umakyat sa aking kwarto. Pagpasok namin ay mapusok na halik ang naging una hanggang sa mahiga kami at ilang saglit pa ay wala na kaming saplot sa katawan. Hinawakan niya ako sa baywang at nagsimulang bumayo. Tahimik lang siya at hindi umiimik ni hindi siya naglalabas ng ungol. Sinubukan kong tumingin sa kanyang mga mata ngunit iniiwas niya ito sa akin.
hinayaan ko lang siya sa kanyang ginagawa hanggang sa matapos siya at mahiga sa aking tabi. Nakatingin lang ako sa kanyang likuran at hinihinuha ang kanyang iniisip.
"salamat George, salamat sa lahat..."
hindi ko alam kung para saan iyon ngunit gumaan ang aking pakiramdam at napangiti ako ng mga sinabi niya.
para sayo Manuel, para sayo gagawin ko ang lahat. Hindi ako mawawala sa tabi mo...
To Be Continued...
A/N: Hi everyone! I just want to give a shout out to my friend who supports me zaddiiiii_k . Thank you sa pagsuporta. I'm sorry this is all I got hehe wala pang pera si author eh lol. Babawi ako pag may pagkakataon. Love lots

BINABASA MO ANG
My Heroin 2 : I love you , Do you know?
RomanceWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...