Jomel's POV
ngayon ang araw ng sport's festival namin sa school. Pagpasok mo pa lang ng gate ay makikita mo na ang magagandang bandiritas na nakasabit sa mga puno at mga tarpaulin na naglalaman ng event ngayong araw. Tatlong araw ito kaya tatlong araw din kaming walang klase.
Kasalukuyan kaming na sa gymnasium habang nanunuod ng basketball, naiinggit daw kasi si Adrian dahil hindi siya pwedeng sumali sa team ng college namin dahil varsity player siya ng school. Kaya pinanuod nalang namin sina TJ at Brent maglaro since kasali sila sa college team.
"na saan nga pala sina George?" tanong ko sa kanya. Kaming dalawa lang kasi ang magkasama at hindi ko pa sila nakikita.
"kasama ni George si Mantha, nag date ata yung dalawa sa labas. Sina Kyle naman ay sinama si Sebastian sa booth ng club nila..."
bukod sa mga event ay may kanya-kanya rin palang pakulo ang bawat club at speaking of club. Sinabihan pala ako ng president ng theater club na si Gaizer na pumunta sa booth bago mag tanghalian.
"Pwede mo ba ako samahan sa booth mamaya? May ipapagawa kasi sa akin yung president..."
"Ok sige, ngayon na ba?"
"after lunch pa naman...."
"sige tapusin lang natin 'tong game na 'to tas magpaalam na tayo kina TJ..."
tumango lang ako at pagtapus nun ay nagpatuloy kami sa pagnunuod
...
Pagpasok namin ay agad akong sinalubong ni Gaizer, siya ang president ng theater club, galing siya sa college of arts and letters at siya ay communication art student at 3rd year na siya which means senior ang tawag ko sa kanya (senior kasi ang tawag namin pag mas ahead sa amin).
"hey Joms saan ka ba nanggaling? Kanina pa kita hinahanap..." napatigil siya at napatingin sa aking likuran at saka ko lang naalala na kasama ko nga pala si Adrian.
"a-ahm senior si Adrian po." pagpapakilala ko.
"I know, he's pretty popular. Varsity ka right?" tumango lang si Adrian na para bang hindi siya interesado kay Gaizer.
Bago pa man maging awkward ang atmosphere ay ibinaling muli ni Gaizer ang atensyon niya sa akin.
"by the way kaya kita pinatawag dito kasi wala yung main role na gaganap sa play natin mamaya. Ikaw yung naisip naming ipalit since you're skinny and flawless..."
napatulala ako sa sinabi niya. Ang role kasi na sinasabi niya ay babae at sa napagsanayan namin ay mayroon itong kissing scene kasama si Gaizer. Siya kasi ang bidang lalaki.
"please Joms, for the sake of our club..."
napahinga ako ng malalim at napatingin kay Adrian. Nakangiti lang ito at tuwang-tuwa na sumang-ayon sa Senior na kaharap niya.
"ok po."
...
George's POV
"bakit kasi hindi ka pa bumalik ng school? Hindi ka pa naman bagsak or kung bagsak ka man pwede ka naman humingi ng special project sa mga professor..."
humigop ako ng juice matapos kong magsalita.
"eh paano yung tuition ko? Wala na akong pera..." napabuga nalang ako ng hininga sa sagot niya.
"sabi nga ng mga magulang mo sila na bahala sa tuition mo wag ka lang huminto sa pag-aaral..."
ilang beses na namin 'tong pinag-usapan pero pinipilit niya pa rin yung gusto niya. Ayaw ko na siyang mapagod sa pagtatrabaho, gusto ko mag-aral muna siya and ganun din naman ang gusto ng mga magulang niya. Siya lang 'tong ayaw dumepende muna...
BINABASA MO ANG
My Heroin 2 : I love you , Do you know?
RomanceWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...