Mantha's POV
"nakabalik na sila daddy galing amerika..." litanya ni George.
kunwari ay hindi ko siya narinig at patuloy lang sa pagbabasa ng libro.
alam kong narito na siya dahil sinabi sa akin ni TJ at Brent nitong nakaraang linggo. Nakipagkita din sa akin si Adrian kahapon, akala ko ay hindi na siya galit sa akin ngunit iba pala ang kanyang dahilan kaya siya nakipagkita.
FLASHBACK
"wag mong isiping hindi na ako galit sayo, nagtitimpi lang ako dahil pinakiusapan ako ni Jomel."
nakatitig lang kami sa isa't isa. Akala ko ay hindi na siya galit sa akin pero mukhang hindi ata mangyayari iyon dahil sa mga titig niya ngayon ay parang gusto niya akong ihampas sa sahig.
"gusto ka niyang makausap, hindi man ako sang-ayon sa gusto niyang gawin pero kailangan ko siya suportahan sa mga desisyon niya kaya makipagkita ka sa kanya dito kinabukasan. Gusto niyang marinig ang mga dahilan mo..." tumayo na ito at naglapag ng pera.
"kahit na alam ko ang idadahilan mo ay kailangan ikaw mismo ang magsabi sa kanya..."
aalis na sana siya ngunit bumukas ang aking bibig at dumaloy ang mga salita.
"ano ba sa tingin mo ang dahilan ko?"
humarap siyang muli sa akin.
"kahit anong idahilan mo, isa ka pa ring makasarili at gago sa paningin ko."
tumalikod na ito at tuluyang umalis.
alam ko, alam ko ang pagkakamali ko at handa akong tanggapin ang mga iyon.
END OF FLASHBACK
"nagsisisi ka na ba ngayon sa nangyari?" tanong ni George.
hindi ko alam ang aking isasagot, hanggang ngayon ay magulo ang utak ko. Lagi nalang ganito ang nangyayari sa akin.
tumalikod si George at nakarinig ako ng mahihinang pag-iyak.
magkahalong konsensya at pangamba ang nararamdaman ko tuwing naririnig ko ang pag-iyak ni George.
nakokonsensya ako dahil nasasaktan ko siya at kasabay nito ang pangamba na siya ay mawawala. Ang kaisa-isang lalaking nakakaintindi sa akin.
"kailangan kong makausap si Jomel."
humarap ito sa akin at pinunasan ang kanyang luha.
"anong sasabihin mo sa kanya?"
"hindi ko alam. Kailangan kong magpaliwanag sa kanya..."
...
tahimik lang akong nakaupo habang hinihintay siyang dumating, nag-iwan sa akin ng mensahe sa akin si Adrian na dito kami magkita.
kinakabahan ako ngunit inihahanda ko ang aking sarili sa mga posibleng mangyari. Kailangan kong isipin kung ano ang aking sasabihin dahil nakasalalay sa aming mga pasya kung anong mangyayari sa aming dalawa.
gusto ko siya, totoong gusto ko siya ngunit hindi ko kayang iwan si George dahil siya nalang ang mayroon ako at pag nawala siya ay hindi ko na alam...
nakita ko ang kanyang pagpasok sa restaurant. Nakamahabang damit pang-itaas ito at short na maong. Mas lalo siyang pumuti at tumaba pero mas mapapansin mo sa kanya ngayon ay ang walang emosyon nitong ekspresyon. Nang makita niya ako ay dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Nanatili lamang akong nakatitig sa kanya ngunit iniiwas niya ang mga tingin niya na para bang ayaw niyang makita ko kung anong nararamdaman niya ngayon.
BINABASA MO ANG
My Heroin 2 : I love you , Do you know?
RomanceWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...