Chapter 20

171 8 0
                                    

Ginang Clarita's POV

paano niya nalaman ang bagay na iyon? 

"ihanda mo na ang sarili mo dahil ipapakulong na kita..." 

sa sandaling sabihin niya iyon ay agad akong lumuhod sa harap niya. 

"please wag, Mr. Devenance hindi ko po sinasadya ang ginawa ko, please bigyan niyo pa po ako ng isa pang pagkakataon..."

pilit akong itinatayo ni Samantha ngunit nagpupumiglas ako. Ito nalang ang huling sandata ko upang hindi mawala sa akin ang foundation na labing walong taon ko nang pinapatakbo. Hindi siya pwedeng mawala sa akin... hindi pwede...

"maya-maya lang ay darating na dito ang mga pulis, kailangan mong pagbayaran ang ginawa mo..." naistatwa ako sa kanyang tugon at tila binuhusan ako ng malamig na tubig.

"pati na rin ang ginawa mo kay Jomel at sa pamilya niya..."

napalingon ako sa aking likuran at nakita ko ang anak ni Mr. Devenance kasama ang lalaking iyon.

hindi ito maaari, paano niya nakumbinsi si Mr. Devenance?

lalo akong natulala nang may lumabas mula sa kanyang likuran. Nakita ko ang itsura ng aking anak kasama ang aking apo na si George.

"kuya?" maging si Samantha ay natulala nang makita niya ang kapatid niya.

"hindi ako makapaniwala sa ginawa niyo ma, Samantha..." sabi nito sa amin.

lahat sila ay magkakakampi? Pinagplanuhan nila ito laban sa akin?

napatitig ako kay Jomel at sa sandaling iyon ay nakita ko ang mukha niyang walang emosyon.

akala ko ay mawawala ka na nang tuluyan sa pamilya namin. Hindi ako makapaniwala na may kakayahan siyang gawin ang mga ito.

narinig ko ang pagkalabog ng pinto at pagpasok ng mga pulis. Hinawakan nila ako, hindi ko na nagawang pumiglas at magsalita.

sa puntong iyon ay narealize ko ang mga ginawa ko.

...

Jomel's POV

ito na ba ang katapusan? Ito na ba ang huli?

naramdaman ko ang mga kamay ni Adrian na dumampi sa aking balikat.

"magiging maayos na ang lahat..." napatingin ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"salamat Adrian..." marami akong gustong sabihin sa kanya ngunit yun lang ang tanging lumabas sa aking bibig. 

"Salamat anak at naging matapang ka..." napapiglas ako sa pagkakayakap ko kay Adrian nang marinig ko ang boses ni papa.

"kung naging matapang lang sana ako noon pa, hindi mo na sana kailangan pang gawin lahat ng ito..."

hinawakan ko ang kamay ni papa at ngumiti.

"atleast, hindi mo kami pinabayaan ni mama..." 

napatingin naman ako kay George at nakipag apir sa kanya.

"salamat dahil tinulungan mo kami..." 

"wala yun, ako nga dapat magpasalamat sayo eh, atleast hindi na mapaghihiwalay ni lola sina mommy at daddy..."

"Let's celebrate for our victory!" napatingin kami sa papa ni Adrian nang magsalita siya.

lumapit ako sa kanya at nagpasalamat.

"thank you po tito kasi tinulungan niyo kami..."

"no worry, dapat nga ako pa magpasalamat sayo kasi ikaw may plano nito. I think that's one of the reason why my son is so addicted to you..."

My Heroin 2 : I love you , Do you know?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon