Jomel's POV
kakatapus ko lang mag apply ngayon sa theater club. Hindi ako sinamahan ni Navid dahil umalis ito agad. Naghihinala na ako sa mga ikinikilos niya at isa pa hindi ko alam kung saan siya pumupunta pagtapus ng klase. Hindi ko rin kasi naitatanong sa kanya at hinahayaan nalang siya dahil umuuwi naman siya agad. Si Sebastian naman ay nag apply bilang varsity ng basketball team kaya hindi ko siya kasama at sakto namang binulaga ako ni Adrian sa classroom kaya siya nalang ang sumama sa akin.
"kamusta? Nakapasa ka daw ba?" binungaran agad ako ng mga tanong ni Adrian paglabas ko ng theater room.
"oo pero kailangan ko pa magperform sa kanila, bale next week ako magpeperform..." sagot ko.
"wala ka naman nang gagawin ngayon hindi ba?" nagtaka ako sa tanong niya. Sa tingin ko ay magpapasama nanaman 'to kung saan-saan kaya tinitigan ko siya ng mabuti.
"ngayon yung birthday ni mommy, hindi ba sinabi ko next week ang birthday ni mommy?" sabi nito.
nanlaki naman ang mata ko dahil hindi ko alam na ngayon iyon. Hindi naman kasi niya sinabi kung anong araw.
"as in ngayon na?"
tumango lang ito na lalong nagpadagdag sa aking kaba.
"pupunta ako ng nakaganito lang?" tanong ko. Gusto kong iparating sa kanya na gusto ko munang umuwi upang makapagbihis ng mas maayos kaso mukhang hindi niya na gets.
"ok na yan. Hindi naman importante kung anong suot mo dun, dalian na natin malapit na mag start yung party..."
napabuga nalang ako ng hininga at sumunod sa kanya.
Pagdating namin sa bahay nila eh wala pa rin naman itong pinagbago mula nung huli akong pumunta dito. Malaki pa rin at magara pa ring tignan at mukhang hindi kumukupas ang mga bagay dito.
habang naglalakad kami papasok ay napahinto ako nang makita ko si Mantha kasama si George. Nag-uusap sila at mukhang masaya sila habang nag-uusap. Habang patagal ng patagal ang pagtitig ko sa kanila ay palungkot ng palungkot ang nararamdaman ko.
"bakit ka huminto?" lumapit si Adrian upang tignan kung saan ako nakatingin.
"inimbita rin sila ni mommy kasi akala niya ay hindi kami magkakaaway, pumayag nalang ako na pumunta sila upang hindi malaman ni mommy na magkakaaway kami..."
oo nga pala, magkakaibigan sila. Hindi ko man lang naihanda ang sarili ko na makita sila.
huminga ako ng malalim at pinilit na ngumiti.
"tara na..." sabi ko sa kanya at nauna na akong maglakad upang hindi niya mahalata ang itsura ko na may pekeng ngiti.
hinanap namin ang mommy ni Adrian at nakita namin ito kasama ang iba pa naming kaibigan.
"nandito na pala ang bunso niyo..." napangiti ako sa sinabi ni tita at nagmano sa kanya.
"happy birthday po." bati ko sa kanya.
"kamusta ka na? Mabuti at nakabalik ka na dito..."
"maayos naman po ako..." napatingin ako sa tatlong lalaki na nakatingin sa akin ng kakaiba.
"ahh tita, magkukwentuhan po muna kami kung ayos lang...." sabi ni TJ.
"ok go ahead I'll go entertain the other visitors..." sabay-sabay kaming nagpaalam sa kanya at umalis na ito.
"nakita mo na siguro sina George at Mantha..." sabi ni Brent.
tumango lang ako sa kanila at ipinakitang hindi ako apektado. Napakamot naman ng ulo si TJ.
BINABASA MO ANG
My Heroin 2 : I love you , Do you know?
RomanceWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...