Jomel's POV
"kamusta ka na? Pasensya na sa ginawa ni George pati na rin sa ginawa ni mama..." na sa harapan ko ngayon si papa, nakipagkita siya sa akin matapos humingi ng tawad si George sa akin.
Hindi ko alam ang aking sasabihin dahil naiintindihan ko si George at hindi ako nagagalit kay papa dahil iisa lang naman ang puno't dulo nito. Si lola at tita Samantha.
"bakit hindi niyo po kausapin si lola?" ito ang tanong na lagi kong gustong itanong sa kanya bata pa lang ako
ngayong naulit nanaman ang nangyari ay muli itong pumasok sa isip ko.
"alam mo naman ang ugali ng lola mo anak, hindi ko siya kayang suwayin..."
wala pa rin siyang pinagbago, isa pa rin siyang duwag.
"hihintayin mo pa bang maghiwalay kayo ng mama ni George?" nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mga mata.
"alam mo ba ang dahilan kung bakit ginawa iyon ni George? Kasi ayaw niyang maghiwalay kayo ng mama niya. Hanggang kailan ka magiging duwag pa?"
nakita ko ang pagyuko niya, ilang segundong tumahimik ang paligid. Binasag ko ang katahimikan at tumayo na.
"kung ayaw mong tuluyang mawala ang lahat ng taong mahal mo, maging matapang ka pa." huling litanya ko bago tuluyang lumabas ng restaurant.
hindi mo man kami ipinaglaban pa, kahit ang mama nalang ni George...
...
"ano nang update sa shares ng daddy mo?" tanong ko kay Adrian. Kasalukuyan kaming kumakain sa canteen kasama ang iba pa naming kaibigan.
"ready naman yun palagi, ikaw lang hinihintay ko..." sagot nito.
"sure ka ba talaga na gagawin yun ng daddy mo?" paninigurado ko.
"oo nga, sabihan mo lang ako kung kailan..."
"by the way, I want to invite you this coming friday. I'm having a birthday party..." sabi ni Sebastian.
"really? I thought you don't have a birthday..." panunukso ni Navid. Hinampas naman siya ni Kyle na nakaupo sa kanyang tabi.
"we are going, just send the location to us ok?" sagot ni Kyle kay Sebastian. Humarap naman si Sebastian sa pwesto namin
"are you two going?" tanong niya.
"yeah, we can't miss it." sagot ni Adrian.
"by the way, where's TJ and Brent?" tanong ni Navid.
tumingin naman sa akin si Kyle at Adrian na para bang may ginawa akong masama.
"sinabihan ko sila na samahan si George..." sabi ko sa kanila. Naramdaman ko naman ang paggapang ng kamay ni Adrian patungo sa aking kamay sa ilalim ng lamesa. Tinignan ko ang nakangiti niyang mukha, hindi ko tuloy maiwasang mapangiti rin dahil sa kilig na nararamdaman ko.
nitong nakaraang araw ay pinag-iisipan ko kung handa na ba akong pumasok muli sa relasyon, alam ko namang hindi lang puro saya ang mararamdaman ko kaya sa paulit-ulit kong tinatanong ang aking sarili at isang araw naisip kong handa na ako ngunit hindi ko pa sasabihin sa kanya ngayon ang tungkol dito dahil sa tingin ko hindi pa tamang oras.
hintayin mo lang Adrian, maghihintay lang din ako ng tamang panahon...
...
George's POV
pagpasok ko ng opisina ni lola ay agad niya akong nakita kasama si tita Samantha. Parang hindi maganda ang ekpresyon sa mukha at para bang may problema sila.
BINABASA MO ANG
My Heroin 2 : I love you , Do you know?
Любовные романыWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...