Chapter 30

229 6 0
                                    

Jomel's POV

2 years later...

napakabilis ng panahon at sa tatlong taon naming pagsasama ni Adrian ay marami akong natutunan hindi lang sa relasyon namin kung hindi sa kanya. Akala ko ay kilala ko na siya dahil halos tatlong taon din kaming naging magkaibigan although kaibigan pa rin naman ang turing ko sa kanya hanggang ngayon ngunit marami pa pala akong hindi alam tungkol sa kanya. Naging tahimik at payapa ang pagsasama namin sa lumipas na dalawang taon, walang malaking away o alitan at puro minimal na problema lang. Kung hindi tungkol sa pagiging tamad niya sa pag-aaral ay tungkol sa mga pinagseselosan niya. Umalis na rin ako sa Theater club nung pangatlong taon namin sa kolehiyo dahil naiinis kami pareho sa club president na si Gaizer na hindi pa rin tumitigil sa paglapit sa akin. Lumipat ako ng journalist club kung saan presidente si George ng club na ito. 

Buo pa rin ang pagkakaibigan namin although kulang na kami dahil wala si Kyle at malapit nang umalis si Sebastian papuntang Canada upang pamahalaan ang kanilang business doon.

"ayusin mo naman yung necktie ko..." utos ko kay Adrian na siyang kakatapus lang mag-ayos ng kanyang sarili.

ngayong araw ang graduation namin at sa totoo lang hindi ako makapaniwala na kami ay graduate na at makakatapak na kami sa panibagong yugto ng buhay namin.

sa totoo lang ay kinakabahan na ako dahil alam kong hindi pa ito ang pagtatapos at nagsisimula pa lang ang tunay na laban ngunit sa kabila non ay naaalis ang kabang iyon dahil kasama ko naman si Adrian at alam kong nariyan siya para suportahan ako.

lumapit siya sa akin at pag sinabi kong lumapit, as in dinikit niya ang kanyang katawan sa akin habang inaayos niya ang necktie ko. Tinignan ko siya ng masama dahil sa kapilyuhan niya.

"malelate na tayo kaya tumigil ka sa balak mo..."

natawa naman ito at tinapos na ang pinapagawa ko.

pagpunta namin ng venue ay nagkaroon lang ng ng ceremony bago iannounce ang mga graduates. Pagtapus non ay nagkaroon kami ng kaunting salo-salo kasama si Sebastian at Mantha at mga magulang nila. Farewell dinner na rin ito para kay Sebastian dahil paalis na siya ng bansa.

2 years later...

matapos naming grumaduate ay hindi na kami nagpahinga at nagtrabaho na agad kaming dalawa ni Adrian. Siya na ngayon ang namamahala ng kompanya nila habang ako naman ay isa nang marketing manager sa isang kompanya. Noong una nga ay hindi ako pinayagan ni Adrian na magtrabaho ngunit ang katwiran ko ay kailangan kong magbigay ng pera kay mama para ibalik ang mga pinaghirapan niya. Dahil doon ay wala na siyang nagawa kung hindi pumayag. Sa condo na rin pala nakatira si mama at ibinenta na namin ang bahay dahil wala naman nang titira doon, si Adrian ang nagsuwestiyon nun dahil ayaw niyang malayo ako kay mama.

as for the other guys, si Mantha ay isa na ngayong production manager habang si George naman ang namamahala ng farm na ipinasa sa kanya ni papa. si TJ at Brent naman ay nagtatrabaho na bilang human resource manager sa isang kilalang kompanya. In short lahat kami ay na sa magandang kalagayan naman. Paminsan-minsan ay nagkakasama-sama pa rin kami ngunit hindi na kasing dalas nung na sa kolehiyo pa kami.

kasalukuyan akong nagtatype sa aking laptop nang mag ring ang aking telepono. Sinagot ko ito at nagulat ako nang malaman kong si Navid ito.

actually nagkakausap pa kami ni Navid nung na sa kolehiyo pa ako ngunit nung grumaduate na ako ay tuluyan na akong nawalan ng koneksyon sa kanya at ngayon nalang ulit siya tumawag.

"hey how are you doing?"

"I'm good, I'm currently at work. How about you? How's life?"

"I'm also fine but I kinda miss you guys..."

"is it us or someone?"

saglit siyang hindi nakasagot, miski ako ay natahimik dahil sa pagka insensitibo ko.

"you know Kyle will always be in my heart..."

"I know, I still can't move on to what happened to him..." 

"yeah but still I love him, and I always do..."

"but anyway. Are you going on a vacation here?" 

"yeah, My parents wants me to go refresh myself..."

...

weekend na ngayon at kasalukuyan kaming naglalakad ni Adrian sa mall kasama si mama upang bumili ng stocks ng pagkain sa condo. Napagdesisyunan naming isama palagi si mama sa mga gala namin para kahit papaano ay hindi siya maburyong sa bahay and it's the only time that we can treat my mother since busy nga kami sa trabaho.

nakakatuwa dahil malapit na si Adrian kay mama at para na silang mag nanay. Mas mabait pa nga si mama kay Adrian kaysa sa akin minsan at magandang bagay iyon dahil miski ako ay malapit na rin sa magulang niya.

pagpasok namin sa supermarket ay nahiwalay ako sa kanila dahil may gusto daw bilhin si Adrian para kay mama kaya wala akong nagawa kung hindi maglakad mag-isa habang nag-iisip ng makakain namin mamayang gabi pag nanuod kami ng movie ni Adrian sa condo.

kasalukuyan akong naglalakad sa mga chips section nang may makita akong pamilyar na lalaki. Sinundan ko ito at nanlaki ang mata ko sa aking nakita.

nag mature lang siya ng kakaunti ngunit ganun pa rin ang itsura niya. Hindi ako makapaniwala sa aking nakita.

nakita ko siyang kumuha ng wine at nilagay ito sa hawak niyang basket. Balak ko sanang tawagan si Adrian ngunit pagbukas ko ng aking cellphone ay bigla siyang nawala. Hindi ko na itinuloy ang pagtawag at hinanap siya ngunit hindi ko na siya nakita.

hindi ako nagkakamali... siya ang lalaking iyon...

...

George's POV

"kamusta ka naman dyan sa trabaho?" tanong ko kay Mantha habang kumakain.

narito kami ngayon sa isang restaurant upang kumain.

"maayos naman, wala naman masyadong ginawa ngayong araw..."

"by the way--"

napatigil ako sa pagsasalita nang mapansin ko ang isang lalaki at may kasama pa itong dalawa. Ilang segundo pa akong nag-isip hanggang sa maamoy ko ang pabango ng lalaking iyon. Nanlaki ang mata ko at napatayo ako. Hinabol ko ito ngunit paglabas ko ng restaurant ay wala na siya.

Hindi ako nagkakamali, ang lalaking iyon ay ang inakala naming patay na!

sigurado ako, si Kyle ang lalaking iyon! Hindi pa siya patay!

To Be Continued...

Author's Note: This is the end of book 2, I hope you guys like it and stay tune for the book 3 I'll post the teaser of book 3 on May 17 or 18, 2021. This isn't the end yet...

My Heroin 2 : I love you , Do you know?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon