Jomel's POV
Magkaklase kami?
"bakit ganyan yung mukha mo? Ayaw mo ba ko maging kaklase?" napabalikwas ako nang magtanong siya. Hindi ko namalayang nakatitig na pala ako sa kanya.
"h-hindi ah! Basta hindi ka na mangongopya sa akin..." hinaluan ko ito ng pang-aasar upang maiba ang aming topic.
"anong mangongopya? Siyempre kailangan ko pa din mangopya sayo..." nagtawanan kami pagtapus nun habang yung dalawa naman ay nakatitig lang sa amin dahil hindi nila kami maintindihan.
matapos ng klase namin sa umaga ay nananghalian kaming apat sa canteen. Papalit pa na kami sa canteen nang makasalubong namin sina Mantha at George kasama sina Kyle, TJ, at Brent.
"uy nandito pala kayo, tara sabay-sabay na tayo kumain..." aya ni TJ.
...
oo alam kong sinabi ko na may pag-asa pang mabuo kaming muli pero hindi pa talaga siguro ngayon dahil napaka awkward pa ng atmosphere sa pagitan namin siyam.
"kamusta ka na Mel? Balita ko in-allergy ka daw sabi sa amin ni George..." sabi ni TJ. Napatingin muna ako kay George bago ako sumagot sa kanya.
"ahhh oo, nakalimutan ko kasing may allergy pala ako sa peanuts..."
"nakalimutan mo o sinadya ni George na ibigay sayo yung pagkaing yun?" napatingin kaming lahat kay Adrian. Nakita ko ang seryoso niyang mukha.
Shet! Bakit ba siya nagagalit bigla?
"h-hindi, nakalimutan ko lang talaga kaya ako in-allergy..." sinubukan kong magexplain sa kanya pero nagulat ako nang tumayo si Mantha.
"bakit ba lagi mong inaakusahan si George?" inis na tanong nito.
Tumayo rin si Adrian.
"bakit? Sa tingin mo kilalang kilala mo na si George?" natahimik kaming lahat sa sinabi ni Adrian. Ngumisi ito at tinitigan si George.
"bakit George? Sa tingin mo hindi ko alam na may documents kang naglalaman ng informations ni Jomel?"
nakita ko ang paglaki ng mata ni George sa sinabi ni Adrian.
Alam niyang may allergy ako?
"totoo ba yun George?" tanong ni Mantha. Hindi siya sumasagot o umiimik at nakayuko lang.
"Bakit mo ginawa yun George!?" nagulat kami nang magtaas ng boses si Mantha.
tumayo si George at nagmadaling umalis, sinundan naman siya ni Mantha. Kami naman ay nakatulala lang at hinihintay na pumroseso sa amin ang nangyari.
"hindi ako makapaniwala na kayang gawin yun ni George..." nauutal na sabi ni TJ.
"wh-what happened?" sabay na tanong nung dalawang hindi nakakaintindi ng tagalog.
bakit nagawa ni George ang bagay na iyon?
...
Mantha's POV
"George ano ba!" hinawakan ko siya ng mahigpit sa braso upang siya ay huminto.
"oo ginawa ko yon! Kasi naiinggit ako sa kanya!"
natahimik ako sa kanyang tugon. Hindi ko alam kung magugulat ba ako dahil totoo ngang ginawa niya iyon o dahil naiinggit siya kay Jomel.
"kahit nandito ako, alam kong siya pa rin yung mahal mo. Mahal siya ng lahat! Gusto kong mawala na siya ng tuluyan kasi simula nang dumating siya sa buhay ko nawala na lahat!"
tinitigan ko ang kanyang mukha na basa dahil sa kanyang mga luha. Pinunasan ko ito at saka siya niyakap.
nasaktan ako sa sinabi niya. Iniisip niya pa rin pala na may gusto pa ako kay Jomel kahit na ang totoo ay wala na. Pinili ko siya dahil ayaw ko siyang mawala at dahil mahal ko siya.
BINABASA MO ANG
My Heroin 2 : I love you , Do you know?
عاطفيةWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...