Chapter 01

1.9K 43 2
                                    

A/N: I dedicated this first chapter to MatthewBorbe thank you po sa pagbabasa 😘.

huminto ang mundo ni Adrian nang makita niya si Jomel na naglalakad ngunit nagulat siya nang may sumunod sa kanyang isang amerikano. Tinitigan niya kung paano nito akbayan si Jomel na para bang may relasyon silang dalawa. 

Nang makita ni Jomel si mama niya kasama si Adrian at iba pa ay kumaway ito. Nagmadali siyang lumapit sa kanila at agad na niyakap ang kanyang ina. Ang dalawang taon nilang pagkakawalay ay naglaho at at pangungulila sa isa't isa ay napunan nang hagkan nila ang isa't isa.

"Kamusta ka ma? Hindi ka naman ba inaatake ng anemia mo?" tanong ni Jomel.

bago pa man makasagot ang kanyang ina ay nakalapit na ang kanyang ama at kaibigan na si Navid sa kanila.

"why George is not with you guys?" tanong ng ama ni Jomel sa mga kaibigan niya.

"may klase po siya ngayon tito kaya hindi siya nakasama sa amin..." palusot ni TJ. Hindi alam ama ni Jomel kung anong nangyari sa kanilang magkakaibigan at ayaw nilang mabanggit ito dahil baka magalit siya.

sa kabilang banda ay tahimik na nakatalikod si Kyle sa kanilang lahat at pakunwaring nagtatago dahil nabigla siya nang makita siyang muli. Hindi niya akalain na babalik siyang muli dito.

"hey are you ok?" nilingon niya ang kumalabit sa kanya at nakita niya si Navid na nakangiti.

gusto niyang umiyak ngunit pinipigilan niya ito dahil ayaw niyang ipakitang mahal pa rin niya ito. Si Kyle at Navid ay matagal ng magkasintahan, nagkakilala sila dahil kay George. Nagkahiwalay sila dahil bumalik si Navid sa amerika upang doon mag-aral ngunit nang makarating siya doon ay hindi na ito nagparamdam at nalaman nalang niya na may girlfriend na pala ito doon na hindi rin naman nagtagal dahil babaero si Navid.

muling bumalik sa ala-ala ni Kyle ang lahat. May galit siya kay Navid dahil sa kanyang ginawa ngunit alam niya sa kanyang sarili na may nararamdaman pa rin siya para sa lalaking ito at ngayong nakita niya itong muli ay muling nagliyab ang apoy sa kanyang puso kagaya ng una nilang pagkikita.

ngunit umakto itong hindi niya ito kilala upang ipakita sa kanyang maayos na siya.

"oo ayos lang ako." tinalikuran na niya itong muli pagtapos.

...

Adrian's POV

kanina ko pa tinititigan 'tong amerikano na 'to dahil naiinis ako sa kanya. Simula kanina hanggang sa makauwi kami dito sa bahay ni Jomel ay hinahawakan niya si Jomel sa kung saan-saang parte ng katawan na para bang normal lang ito sa kanya. Mukhang gusto rin naman nitong isa na nakikipagtawanan pa kasama ang mama niya.

"uy pre ayos ka lang?" tanong ni Kyle sa akin.

"sino ba yang kano na yan?" 

"hindi ko rin kilala yan..." napatingin ako dahil mukhang pati siya ay naiinis rin.

pagdating namin sa bahay ni Jomel ay hindi na kami pinaalis ng kanyang ina at sinabi dito na daw kami matulog dahil gabi na kaya wala kaming nagawa kung hindi um-oo nalang ni Kyle. 

kasalukuyan kaming nag-aayos ng aming tutulugan sa may sala nang biglang dumating yung amerikanong hilaw.

"let's have a drink!" ipinakita niya sa amin ang mga canned beer na dala niya. Nagkatinginan muna kami ni Kyle bago kami sabay na tumango.

"Mel go out there, let's drink."

lumabas si Jomel sa kanyang kwarto at pumunta na kami sa dining table. Ipinakilala namin ang aming sarili sa amerikanong hilaw at ganun din siya at pagtapus nun ay nagsimula na kaming mag-inom. Nakatitig lang kay amerikanong hilaw na nangungulit kay Jomel habang si Jomel naman ay patuloy siyang tinataboy. Napansin ko yung katabi kong tahimik si Kyle kaya lumingon ako sa kanya ng pasimple at nakita ko siyang nakatingin kay amerikanong hilaw, nakasimangot ito at para bang gusto niya itong patayin sa mga titig niya. Maya-maya pa ay tumayo na ito.

My Heroin 2 : I love you , Do you know?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon