Chapter 09

780 36 2
                                    

Jomel's POV

it's been a month nung huling nag-usap kami ni Mantha, paunti-unti ay natatanggap ko na ang lahat. Siguro nga ay kailangan ko nalang maging masaya para sa sarili ko at para sa kanila. Sa ngayon ay nagfofocus nalang muna ako sa ginagawa ko. Dahil kasi sa nangyari ay nakalimutan ko na kung bakit ako nag-aaral, nakalimutan ko na kung para kanino ba itong ginagawa ko. Naalala ko kasing hindi ako pwedeng maging manghina at mawalan ng gana sa lahat dahil inaasahan ako ni mama at siya ang dahilan kaya kailangan kong magtapos. Kahit na sinusuportahan na ako ngayon ni papa ay hindi pa rin ako pwedeng umasa sa kanya. Gusto kong tulungan si mama gamit ang mga sarili kong kamay dahil gusto siyang suklian sa lahat. Dahil ako nalang ang kayamanan ni mama at hindi ko siya pwedeng biguin kahit una na akong nabigo sa pag-ibig. Tinanggal ko na rin muna sa aking isip ang mga pakikipagrelasyon na yan para mapagtuunan ko ang aking pag-aaral.

"kamusta ka naman sa school?" tanong ni papa na ngayo'y nakaupo sa silya ng kanyang opisina.

"maayos naman po ako..." 

may kinuha siya sa drawer ng kanyang office table, isa itong sobre at ibinigay niya ito sa akin. Nang tignan ko ay naglalaman ito ng pera.

"allowance mo yan this month, I already made my promise so I'll fulfill it..." 

"napakalaking pera po nito, sobra-sobra na po ito..." 

hindi ko man bilangin ang na sa sobre ay alam kong malaking pera ito at nag-aalangan ako na tanggapin ito dahil naiilang ako.

"kulang pa nga yan eh, ilang taon akong nawala sa tabi mo. Gusto ko lang bumawi..."

gustuhin ko man itong ibalik ay hindi ko ito ginawa dahil baka sumama ang loob ni papa.

Kinuwento ko ang nangyari sa una't kalahating buwan ko sa eskwelahan. Kinamusta niya rin sinabi at tinanong kung bakit hindi ko siya kasama. Sinabi ko nalang na nandun siya sa bahay kahit na ang totoo ay hindi ko alam dahil lagi siyang umaalis at hindi naman niya sinasabi sa akin kung saan siya pumupunta kahit na tinatanong ko. Pagtapus nun ay nagpaalam na ako ngunit bago ako tuluyang umalis ay may sinabi pa siya.

"anak, pasensya na pala sa nangyari sa inyo ni Mantha. Sana'y wala kang galit kay George..."

hindi ko siya sinagot at yumuko nalang upang magpaalam bago ako tuluyang lumabas ng kanyang office.

wala naman akong galit kay George ngunit hindi ko pa ata sila kayang harapin ni Mantha kahit na paunti-unti ko ng natatanggap ang lahat.

...

pagbalik ko ng bahay ay nakita ko si Navid at kausap si mama. Nang makita ako nito ay magpapaalam sana siya kay mama ngunit pinigilan ko ito. Nagmano muna ako kay mama at nagpaalam na mag-uusap muna kami ni Navid at hinila ko na siya sa kwarto. 

"hey, what're you doing?" sabi nito.

"where have you been this past few weeks?" tanong ko. 

Napakamot siya sa kanyang ulo at nag isip-isip ng ilang minuto.

"I go to Kyle's house..."  

nagulat ako sa sinabi nito.

anong ginagawa niya dun at bakit siya pumupunta doon? 

"what did you do there?" 

itinikom niya ang kanyang bibig. Pinasingkit ko ang mata ko habang nakatitig sa kanya.

"ok fine. I'm going to tell you our story..."

umupo ako sa tabi niya at nagsimula na siyang magkwento. Nagulat ako dahil hindi ko ineexpect na may relasyon pala sila dati.

My Heroin 2 : I love you , Do you know?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon