Chapter 03

957 32 0
                                    

Adrian's POV

nakatitig lamang ako sa kanya habang siya ay kumakain. Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakikita ko ang bawat pagsubo niya sa pagkain at dahil dito ay hindi ko maiwasan ang gumawa ng imahinasyon sa aking nakikita. Umiling ako at pinigilan ang init na nararamdaman ko.

sino ba naman kasing nagsabi sa kanya na ganyan siya kumain? Ganito na ba ako kababaw at kahit sa pagkain niya ay nag-iinit ako?

"bakit hindi ka pa kumakain?" natauhan ako nang marinig ko ang boses niya. 

nagkakasala nanaman ako dahil sa aking mga naiisip. 

iba na nga ang dating niya akin at mas lalo atang lumalim ang aking pagtingin sa lalaking kaharap ko. Naaalala ko noong una kaming magkita sa resort, nabunggo ko siya at dahil napaupo siya sa sahig ay aksidente kong nakita ang kanyang dibdib. Kulay perlas ang kanyang kutis at para itong babasagin na kailangan ng marahang paghawak.

una pa lang ay alam ko ng iba ang dating sa akin nitong lalaking ito pero hinayaan ko ang aking sarili na mapalapit sa kanya, ngayon tuloy ay wala na akong kawala.

napatigil ako sa pagpapantasya nang makatanggap ako ng mensahe mula kay Kyle. 

From: Kyle

pre, nakita ko si Rica dito sa may bar na pinag-iinuman natin, nagwawala siya dito pre. Ayaw niya magpaawat.

napatayo ako sa aking kinauupuan nang mabasa ko iyon.

"anong nangyari?" halata sa itsura ni Jomel ang pagkagulat.

"si Rica kasi..."

"puntahan mo siya, dalian mo baka emergency..."

nagdadalawang-isip ako kung pupuntahan ko siya pero hindi ko maiwasang isipin ang mga posibleng mangyari pag hindi ako pumunta. Kahit papaano ay may pinagsamahan kami at hindi ko kayang itapon iyon at isa pa babae siya.

tumango ako at nagpaalam kay Jomel.

pagdating ko sa bar na sinabi ni Kyle ay agad kong nalaman kung na saan sila dahil napakaraming tao ang nakatutok sa kanila ngayon. Nakita ko si Rica na pilit kumakawala kila Kyle at Brent. 

lumapit ako sa kanila upang tulungan sila.

"buti dumating ka na. Ilabas niyo na si Rica dito ako na kakausap sa may-ari nitong bar." sabi ni TJ.

iniharap ko si Rica sa akin.

"lumabas na tayo dito..." 

nagulat siya at napatigil sa pagkalas at yun ang naging pagkakataon ko upang buhatin siya palabas ng bar. Nung makalabas kami ay nagsimula ulit siyang pumiglas ngunit hinigpitan ko ang aking kapit dahil baka siya ay mahulog. Ibinaba ko siya nang makarating kami sa parking lot.

"na saan ang kotse mo? Ihahatid kita sa inyo..."

hahawakan ko sana siya ngunit humakbang siya paatras.

"iwan mo na ako dito, umuwi ka na..."

kita ko ang pagpatak ng mga tubig sa kanyang pisngi.

"kailangan mo ng umuwi..."

"Ayoko nga! Bakit ba ang kulit mo!?" nakaramdam na ako ng inis sa inaasal niya.

"kailangan mo ng umuwi dahil lasing ka na!"

"ayaw ko nga! Hiwalay na tayo hindi ba? Wala ka na dapat pake sa akin!"

at kasunod nun ay ang paghagulgol niya. Hinawakan ko ang kanyang mga balikat upang siya ay kumalma. Huminga rin ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili.

My Heroin 2 : I love you , Do you know?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon