Chapter 15

747 30 0
                                    

Jomel's POV

"kilala mo ba si Samantha Rivera? Sa tingin ko siya yung nagpost nito..." napahinto ako sa aking pagbabasa at nilingon si Adrian na ngayo'y busy sa pagtatype sa kanyang laptop.

"kapatid yun ni papa, Ayaw niya rin kay mama at isa rin yung sa sumusulsol kay lola nung panahong magkasama pa sila ni mama..." sagot ko naman.

"bakit ba ang laki ng galit sa inyo ng pamilya ng papa mo?" half meant joke ang tanong na iyon.

Ibinaba ko ang librong binabasa ko at humarap sa kanya.

"actually hindi ko rin alam, siguro dahil ang tingin niya kay mama at sa akin ay dukha at umaasa sa yaman nila..."

nginisihan lang ako nito bago muling bumalik sa kanyang ginagawa.

"by the way, sinabi mo na ba kay tito ang tungkol dito? Eventually malalaman niya rin kaya sa tingin ko kailangan mo ng sabihin..."

bago ko pa sabihin ang tungkol sa balitang kumalat ay alam na ni papa ang lahat. Alam niya rin na darating ang puntong maiiskandalo kami dahil nga pareho kaming lalaki. Hindi naman siya nagalit dahil nga tanggap niya kami ni Mantha dati.

"alam niya yung nangyari pero hindi ko sinabi kung sino yung gumawa..." sagot ko.

saglit kaming tumahimik bago siya muling magbato ng tanong.

"so papasok ka na bukas?" 

ilang segundo akong nag-isip. Hindi pa rin ako sigurado kung magiging maayos pa ba ang lahat pagpasok ko. Matapos kasi ng insidente sa banyo ay nakaramdam ako ng takot at pangamba na baka maulit iyon kung papasok ako sa eskwelahan ngunit sa kabilang banda ay iniisip ko rin na pag hindi ako pumasok ay hindi ako makatapos ng pag-aaral o kaya uulit ako ng isa pang taon. 

"siguro..." yun lang ang naisagot ko sa kanyang tanong.

"pumasok ka na bukas kasi nagpasa na ako ng ebidensya sa principal at sa tingin ko hindi ka na nila i-eexpel.." 

nakaramdam ako ng galak sa kanyang sinabi. Hindi niya talaga ako pinabayaan, ngayon ko lang narealize na si Adrian ang kauna-unahang tao na nag-aalala sa akin simula pa ng una. Narealize ko na bago pa man maging kami ni Mantha ay siya na ang kasama ko sa lahat ng bagay. Lagi niya rin akong tinutulungan kahit na tungkol ito kay Mantha. Naisip ko tuloy kung anong nararamdaman niya nung panahong mahal ko pa si Mantha...

speaking of Mantha... Kamusta na kaya siya? Hindi kaya siya naapektuhan nitong balita?

"may balita ka ba tungkol kay Mantha?" napahinto siya sa aking tanong.

"gusto ko lang malaman kung naapektuhan rin ba siya nitong balita..."

isinara na niya ang kanyang laptop at humarap sa akin.

"actually mas malala yung nangyari sa kanya..." 

nabigla ako sa kanyang sinabi dahil wala akong ideya sa nangyari sa kanya...

"lumayas na siya sa bahay nila dahil hindi siya tanggap sa kanila, bukod pa doon ay muntik na rin siya ma-expel pero buti nalang naagapan ko agad..."

isa sa pinakanakakatuwa kay Adrian ay mahilig siyang tumulong lalo na sa mga malalapit sa kanya. Sa tingin ko ay wala ng galit si Adrian kay Mantha at sa aking palagay ay may pag-asa pang mabuo ulit ang aming grupo.

"siguro hindi mo 'to alam dahil ayaw ni Mantha ikwento sa iba ang naranasan niya... Kaya kami naging malapit na anim ay dahil alam namin ang kwento ng bawat isa..."

humiga ako sa aking kama habang patuloy na nakikinig sa kanya.

"Ang magulang ni Mantha ngayon ay hindi niya tunay na magulang, ang mga tunay niyang magulang ay ipinamigay siya. Pinilit niyang hanapin ito ngunit nang mahanap niya ito nung grade 10 kami ay ipinagtabuyan siya nito nang malaman nilang hindi siya tunay na lalaki..."

My Heroin 2 : I love you , Do you know?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon