Chapter 06

898 37 0
                                    

Kyle's POV

kasalukuyan akong naglalakad sa hallway papunta ng library nang biglang may humila sa bag ko na naging dahilan ng aking paghinto. Nakita ko si Navid na nakangiti at kumaway sa akin. Inirapan ko lang ito at naglakad na papalayo ngunit ramdam ko ang pagsunod niya sa akin.  Sa tuwing hihinto ako at titingin sa kanya ay nginingitian niya lang ako. Hindi ko na kinaya ang inis at humarap sa kanya nang makarating kami sa tapat ng library

"bakit mo ba ako sinusun--" napahinto ako nang hindi ko siya makita sa aking paglingon. Akala ko ay wala na talaga siya pero pagharap ko ay binulaga niya ako. Hinampas ko siya dahil sa kanyang ginawa at nagmadaling pumasok sa loob.

bakit ba nandito yung lalaking yun? Wala ba siyang klase?

hindi ko na naramdaman ang presensya niya nang makapasok ako ng library kaya nakahinga na ako ng maluwag at nawala na ang kaba sa aking dibdib.

Dumiretso ako sa bookshelves upang hanapin ang librong kailangan kong basahin, may mga pinaparesearch kasi sa amin at kailangan ko na itong ipasa bukas. Naghanap-hanap pa ako ng ilang saglit hanggang sa makita ko ito. Pagkuha ko ng libro ay pumunta ako sa isang mahabang desk at doon ako nagbasa. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang pag-upo ng isang tao sa aking harapan ngunit hindi ko siya tinignan o pinansin at nagpatuloy lang sa pagbabasa.

"I thought you don't want to take business course."

napatingin ako sa aking harapan nang marinig ko ang boses ni Navid. Hindi siya nakatingin sa akin at kagaya ko nagbabasa rin siya. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagbabasa ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na ako makapagfocus.

napakaraming upuan dito bakit dito pa niya naisip na umupo!?

dahil wala nang pumapasok sa aking utak ay isinara ko na ang libro at tumayo na. Pupunta na sana ako ng bookshelves upang ibalik ang libro ngunit napahinto ako nang hawakan ni Navid ang aking kamay.

bumilis ang tibok ng puso ko ngunit sa kabila nun ay ang mga sakit at ala-ala na iniwan niya.

pumiglas ako at namadaling binalik ang libro at lumabas na ng library. Narinig ko ang boses niya sa malayo ngunit hindi ako lumingon.

pag nilingon ko siya ay baka bumalik lang lahat. Baka sumuko ako at bumigay sa kanya. Ayaw ko nang masaktan. 

dahil sa pagmamadali ay hindi ko namalayan ang pagdating ni George.

"saan ka galing? Bakit namumula ka?" tanong nito.

umiling lang ako at nagmadaling maglakad. Naramdaman ko ang pagsunod ni George sa aking likuran.

"mag-iinuman kami bukas, sasama ka ba?" 

huminto ako at humarap ako sa kanya.

"alam mo ikaw lang din mahihirapan sa sitwasyon niyo ni Mantha..."

ang sigla niya kanina ay unti-unting nagbago at bago pa siya magsalita ay tinalikuran ko na siya.

alam ko at nakita ko ang paghihirap niya at ilang beses ko na rin siyang sinabihan na itigil na niya dahil masasaktan at mahihirapan lang siya pero hindi siya sumunod sa akin kaya bahala na siya. Ginawa ko ang parte ko bilang kaibigan niya kaya hindi ko na siya papakialaman sa mga desisyong gagawin niya.

hindi ko tuloy maiwasang maawa kay Jomel dahil nadamay pa siya sa dalawang iyon. Ngunit sa kabilang banda naman ay alam kong hindi siya papabayaan ni Adrian. Alam kong mabait na kaibigan si Adrian ngunit alam ko na higit pa sa kaibigan ang tingin niya kay Jomel at inaabangan ko nalang ang susunod niyang gagawing hakbang.

well... hindi ko na sila papakialaman at panunuorin ko nalang sila sa mga gagawin nila dahil may kailangan din akong gawin...

Adrian's POV

My Heroin 2 : I love you , Do you know?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon