Chapter 13

700 32 2
                                    

Jomel's POV

sumikat na ang araw at nakarating na ako sa eskwelahan. Magaan ang aking pakiramdam sa pagpasok ko at para bang normal lang ang lahat hanggang sa mapansin kong para bang maraming mata ang nakatingin sa akin. Napahinto kami ni Navid sa paglalakad nang mapansin kong parang halos lahat ng estudyante ay tinititigan ako.

"siya ba yun?" rinig kong bulong ng isang babae sa aking kaliwa.

"siya nga yun. Hindi man lang siya nahiyang pumasok matapos ng balita tungkol sa kanya..." bulong din ng isa pang estudyante.

anong meron? Anong sinasabi nila?

"what's happening? Why are they looking at you?" tanong ni Navid sa akin ngunit kibit balikat lang ang ibinalik ko sa kanya dahil wala akong ideya.

"Mel!" rinig kong sigaw ng isang lalaki sa aming likuran. Si Sebastian iyon at tumatakbo siya papunta sa amin.

"you have to see this." nang makalapit ito ay napansin ko ang hawak niyang papel. Pinakita niya ito sa akin.

nanlaki ang mata ko nang makita ko ang aking litrato kasama si Mantha. Hindi ko alam kung kailan ito kinuha, hindi rin kami nakatingin at para bang kinuha ito ng hindi namin nalalaman. Nakalagay dito ang isang katagang 'A gay from College of Montenegro University with his rich boyfriend casually dating like they're not immorals'

"this picture was posted on the school's website. It was also posted on the bulletin board."

hindi ako makapagsalita sa sobrang gulat. Maraming tanong ang agad na pumasok sa aking utak.

"Mr. Rivera." lumingon ako sa ginang na tumawag sa akin. Dean ito ng College of Business. Bigla akong kinabahan nang makita ko ito.

"come to my office now." napakagat labi nalang ako at napapikit at saka sumunod sa kanya.

Adrian's POV

"Fuck off!" sigaw ko sa mga estudyanteng pinagpipyestahan ang litrato ni Jomel at Mantha. Nagawa ko silang patabihin at nakalapit ako sa bulletin board. Agad ko itong pinagpupunit.

"now go away!" sigaw ko sa kanilang lahat. Nagsialisan naman sila kaagad.

hindi ko mapigilang mag-alala simula nang mabasa ko ito kaninang umaga. Kalat na ito ngayon sa website ng school, pati na rin sa group page ng school at forum. Sigurado akong maaaring may masamang mangyari kay Jomel pag nakarating ito sa dean.

Pagpasok ko ng classroom ay agad kong hinanap si Jomel ngunit wala siya pero nakita ko si Navid at Sebastian kaya agad ko silang tinanong.

"where's Jomel?" 

"he's in the dean's office..." pagsagot ni Navid ay agad akong tumalikod sa kanila ngunit pinigilan ako ni Navid.

"hey bro, calm down..."

"I'm going to help him. Help us on the attendance..." tumango lang ito at binitawan ako.

Agad akong nagtungo sa dean's office at nang makarating ako ay saktong kalalabas lang ni Jomel. Nakatulala ito sa kawalan habang naglalakad at para bang wala siya sa katinuan.

"anong nangyari?" nilapitan ko siya agad at hinawakan sa kanyang balikat.

tinitigan niya ako ng ilang segundo bago niya tinanggal ang kanyang pagkakahawak ko sa kanyang balikat at saka niya ako nilagpasan.

anong nangyari sa kanya?

agad akong nagtungo sa loob ng office. 

"mam gusto ko pong malaman kung anong parusa yung ginawa niyo kay Jomel..."

My Heroin 2 : I love you , Do you know?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon