Mantha's POV
isang malakas na sampal ang aking natamo matapos malaman ng mga kasalukuyan kong magulang ang balita sa school.
"hindi ko alam na aabot sa ganito. Ano bang maling ginawa naming pagpapalaki sayo para maging ganyan ka!?"
mas masakit ang mga salitang binitawan ni mommy kaysa sa sampal ni daddy. Umagos ng tuluyan ang luha sa aking mata.
akala ko ay tanggap nila ako ngunit kagaya lang rin pala sila ng tunay kong magulang. Pareho silang sinisisi ang pagiging ganito ko.
isang malakas na sampal muli ang aking tinanggap mula kay daddy.
"bakit ba ginagawa mo ito sa sarili mo!? Binigay naman namin lahat sayo hindi ba!?"
dahil sa lakas ng kanyang pagkakasampal ay tumilapon ako sa sahig, pinilit kong tumayo at iniangat ang aking ulo. Tinitigan ko sila ng mabuti.
"tanggap niyo po ba ako?" tanong ko sa kanila.
tumahimik silang dalawa at mukhang nabigla sila sa aking tanong. Ang katahimikang iyon ang naging sagot ko na hindi nila ako tanggap.
tumalikod na ako sa kanila at nagmadaling lumabas ng bahay. Habang naglalakad ako ay isa lang ang aking na sa isip. Ang puntahan si George, ang puntahan ang nag-iisang tumanggap sa akin ng buo. Kailangan ko siya ngayon, kailangan na kailangan ko siya.
Ilang oras akong naglakad patungo sa bahay nila George. Nakakaramdam na ako ng panghihina ng katawan.
Malapit na ako, malapit na ako George...
nakikita ko na ang kanyang bahay ngunit biglang nagdilim ang aking paningin at bumagsak sa kalsada.
mamamatay na ba ako?
Mabuti na rin ito, gusto ko ng tumigil... gusto ko ng magpahinga...
"Mantha!" rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses. Pinilit kong idilat ang aking mata upang makita kung sino ito...
Kita ko ang nag-aalala niyang itsura na ngayon ko lang ulit nakita. Akala ko ay hindi na matatanggal ang galit niya sa akin kahit kailan.
Sa sandaling iyon ay napangiti ako bago ako tuluyang mawalan ng malay.
...
naisin ko mang tuluyan ng mamahinga ay hindi ata payag ang na sa itaas dahil muli niya akong ginising. Pagmulat ko ay na sa isang malambot na kama na ako, wala ako sa ospital kung hindi na sa isang pamilyar na kwarto ako. Ang kwarto kung saan kami palagi nakahiga ni George tuwing matutulog ako sa kanila.
"gising na siya!" narinig ko ang natatarantang boses ni George sa aking kanan. Agad itong lumapit sa akin at hinawakan ang aking kamay.
"ayos ka lang ba? Anong nararamdaman mo?" tanong nito.
umiling lang ako at ipinatong ang isang kamay sa kanyang kamay.
"magpahinga ka lang muna, tatawagan ko sila tita..."
pinatigil ko siya agad sa kanyang sinasabi.
"wag mo silang tatawagan, lumayas na ako sa amin..."
halatang nagulat siya sa aking sinabi. Umupo siya sa aking tabi.
"anong nangyari? Pinalayas ka ba nila dahil sa nangyari sa school?"
umiling lang ako at hinawakan ang kanyang kamay.
"pwede bang dito muna ako?" tanong ko.
"oo naman, lagi ka rin namang nandito..." napangiti ako nang makita ko ang kanyang ngiti.
BINABASA MO ANG
My Heroin 2 : I love you , Do you know?
RomanceWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...