George's POV
hindi ko alam kung dapat ko bang ipaalam kay Mantha at sa mga kaibigan namin na alam ko kung sino ang may pakana nung balitang kumalat sa buong school. Kilala ko kung sino iyon pero natatakot akong sabihin sa kanila dahil naging parte rin ako ng plano nila.
ang plano ni lola at tita Samantha na tuluyang paghirapin si Jomel at ang kanyang ina.
FLASHBACK
"lola bakit mo ginawa iyon? Alam mo bang lumayas si Mantha sa kanila dahil sa balitang iyon?" puno ng dismaya kong litanya sa matandang kaharap ko.
"akala ko ba gusto mong mawala yung lalaking iyon? Ginawa ko lang ang gusto mo..." dahan-dahan siyang lumapit sa akin at hinawakan ang aking kanang balikat.
"at isa pa, naniniwala ka pa rin na kaya kang mahalin ni Manuel?"
ang tanong na iyon ang sumira sa natitirang tiwala ko sa aking sarili. Maging ako ay napatanong kung kaya nga ba akong mahalin ni Manuel?
"nandyan ka kaya ikaw ang pinili niya. Naiintindihan mo siya at ikaw lang ang palaging nandyan sa tabi niya pero hindi ka niya mahal..."
unti-unting namuo ang luha sa aking mga mata. Nakaramdam ako ng pagsikip ng aking dibdib.
"kailangan ka lang niya ngunit hindi ka niya mahal, bakit siya maaapektuhan sa balitang iyon kung wala na siyang nararamdaman kay Jomel?"
noong araw na malaman namin ang balita ay nakita ko kung gaano kalungkot ang mga mata ni Mantha ngunit alam ko na dahil iyon sa maeexpel siya sa school at nag-aalala siya dahil baka malaman ito ng kanyang mga magulang.
"dahil hindi alam ng mga magulang niya ang tungkol doon." madiin kong tugon.
"sigurado ka ba?"
napipi ako sa kanyang tanong. Ang mga tanong na iyon ang paulit-ulit na tumatakbo sa aking utak at paunti-unti ay sinisira ako nito.
"tumahimik ka nalang at panuorin ako kung paano ko sirain ang dalawang iyon..."
hindi ako makapagsalita. Gusto kong sabihin na itigil na niya ito ngunit wala akong laban. Hindi ako pwedeng lumaban. Nakadepende kami ni mommy sa kanya. Ayaw kong mawala ang lahat...
ilang araw matapos kong makausap si lola ay nakipagkita ako kay tita Samantha, ang kapatid ni daddy.
"dito po nagtatrabaho yung mama ni Jomel..." iniabot ko sa kanya ang isang envelope.
"tinulungan ni daddy yung mama ni Jomel na makapasok sa trabaho na iyan..." sabi ko habang binabasa niya ang papel na laman ng envelope.
"bwisit talagang Joe na yun, may gusto pa rin ba siya sa Noralyn na yun?" rinig kong bulong niya.
"nangako po siya kay Jomel na tutulong siya sa kanila, hindi po dahil mahal pa ni daddy yung mama ni Jomel..." litanya ko. Napatingin ito sa akin saglit bago muling bumalik sa pagbabasa.
"sige na ako na ang bahala dito..." sabi niya. Tumayo na ako at nagpaalam
inatasan ako ni lola na ibigay ang impormasyon kay tita Samantha kung saan nagtatrabaho ang mama ni Jomel. Itinanong ko iyon kay daddy at walang pagdadalawang-isip na sinabi niya kung saan ito nagtatrabaho dahil may tiwala siya sa akin.
END OF FLASHBACK
at sa tingin ko malapit nang masira ang tiwalang iyon. Pag nalaman ni daddy na sangkop ako dito ay sigurado akong magagalit ito.
Nagsisisi ako. Nagsisisi ako dahil nagpabulag ako sa galit at selos.
"ayos ka lang ba?" napabalikwas ako nang marinig ko ang boses ni Mantha sa aking likuran.
BINABASA MO ANG
My Heroin 2 : I love you , Do you know?
RomanceWARNING ⚠️ The characters, places, and occasions in this story are all came from the imagination of the author. The author did not intend to copy someone's work and he assured that this is his original story. The story is all fiction and not relate...