Chapter 2

3K 148 20
                                    

Chapter 2 "The Battles Begin"





TRISTAN'S POV:



NARITO ako sa office ni sir Jo at napag-alaman kong hindi lang siya basta major teacher kundi isang councilor.

"So?" panimula ko.

"Tristan wala ka pa ding pinagbago, mas lumala ka pa!" galit niyang turan.

"Cut the sermon. Just tell me the punishment.?" matapang kong turan.

"You're so rude. Gusto mo ba makarating sa daddy mo ang mga ginagawa mo?" banta niya.

As you can see, hindi lang kami basta magkakilala dahil ninong ko ang kaharap ko.

"Go ahead ninong, tell him!" hamon ko. "Tutal wala naman siyang nakitang tama sa akin diba? Pwes paninindigan ko na"

"Because you are such a stubborn kid! Hindi mo masisisi ang dad mo dahil iyon ang pinapakita mo ngayon!"

"Get to the point. What's the punishment?" pag-iiba ko ng usapan.

"Ibang klase ka talaga Tristan, wala ka ng kinikilala" inilabas niya ang papel at binigay sakin.

"What does it mean?" pagtataka ko.

"You're suspended for one week"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tinuran niya at pinilig ko ang ulo ko.

"No way, ninong naman!"

"You need to be disciplined son, I'm sorry"

"Pero nong, this is too much. Hindi ba pwedeng mag-general cleaning na lang or anything?" pag-hirit ko.

"Are you going to deal with it or I will tell you're dad about this?"

"Pero mahahalata din ni dad kahit di mo sabihin dahil hindi ako papasok"

"Edi diskartehan mo, tutal loko-loko ka naman diba?"

"Pero ninong!""Hindi porket inaanak kita eh, pagtatakpan kita

"Wala akong nagawa kundi pumayag sa kasunduan, labag man sa loob ko ay pinirmahan ko ang papel na ibinigay ni sir Jo, I mean ninong.

How do I hide this?Humanda ka Chad, nagkamali ka ng kinalaban and I can see that you suffer a cost for this.















CHAD'S POV:







PALABAS na kami nina Crescendo at Lawrence galing ng library para tapusin ang project sa foreign language, nang biglang lumitaw si Jack na pawisan.

Halatang pagod siya dahil sa pagtakbo at nagmamadali.

"Saglit lang mga bay, huwag muna kayo lumabas ng campus" banta nito at hinintuan namin.

"But now that our classes are over, it's time for us to go home." ani ni Crescendo na bakas ang pagtataka sa mga mukha nito.

"Alam ko pero delikado eh" may takot sa boses ni Jack.

"Teka, ano ba talagang problema Jack? Tapatin mo nga kami?" kompronta ni Lawrence.

"Si Tristan, inaabangan nila si Chad sa labas ng school" nagulat kami tatlo at nagpalitan ng tingin.

"Narinig ko ang usapan nila at mukhang malaki ang galit ni Tristan sa iyo dahil na-suspend siya ng one week at ikaw Chad ang tinuturo niyang dahilan" salaysay ni Jack.Aminado akong kinakabahan ako dahil ito ang isa sa kinaiingatan ko, ang masangkot sa gulo o away.

Loving The Unlovable [COMPLETE] A Boyslove NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon