Chapter 4

2.3K 113 21
                                    

Chapter 4: "Against Discrimination





CHAD'S POV:





NAGPATULOY sa pagpapahirap sa amin si Tristan at ng mga kaibigan niya.


Alam ko sa sarili ko na kaya ko silang palagan at patulan pero hindi ko ginawa, ilang beses namin silang kinompronta at kinausap pero bato na ang puso nila.


Mayroong pagkakataon na dinidikitan nila ng bubble gum ang upuan namin.


Linalagyan ng bato or kung anu pa ang bag namin, minsan pa nga ay tinatali pa ang mga bag namin ng palihim.


Marahil hindi namin sila nahuhuli sa akto pero malakas ang kutob ko na sila ang may pakana nito.


Minsan pa nga ay umuwi si Lawrence na mayroong sticker sa likod na may nakasulay na 'Kuya ch*pain kita 150, wet na wet na ako' kaya't halos pagtinginan at pagtawanan kami noong uwian.



Ang nakakainis pa ay sa tuwing nakakatulog kami during breaktime ay pini-pictura kami at ina-upload sa Facebook para gawing memes.


Isang araw pa nga ay uupo na sana si Jack pero biglang inatras ang upuan kaya nahulog si Jack sa sahig at pinagtawanan pa nila.


Iilan lang iyan sa mga pambu-bully na narasan namin sa panig ni Tristan.


Halos sumuko na ang mga kaibigan ko lalo na sina Crescendo at Jack na gusto mg hamunin ng saksakan ang grupo ni Tristan mabuti at napakalma ko sila.


Dahil within the end of this semester, we will own the victory.




-----




"Alam mo naiinis na talaga ako sa pambubully nila Tristan at ng mga tropa niya.  Gusto kong pagbuhol-buhulin ang mga anes nila arrggh!" gigil na turan ni Lawrence.



"Those assholes annoy me. Like a potato, I want to smash into their heads!" iritadong turan ni Crescendo.


"O di kaya gilitan ang mga ulo nila at gawing bunot dito sa sahig at yung dugo nila ang maging floorwax." sabi ni Jack.


Hindi ko akalain na brutal pala kung manalita ang mga ito na halos papatay na ng tao.


"Keep calm guys, wag natin masyadong istress-in ang sarili natin sa kanila dahil pagtapos ng semester na ito, makikita nila kung sinong ginago nila." confident kong turan.

Loving The Unlovable [COMPLETE] A Boyslove NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon