Chapter 5

2.3K 107 24
                                    

Chapter 5 "Peaceful War






CHAD'S POV:




SUNOG na ang kilay namin dahil sa pagre-review, aral at basa. Grabe ang bilis ng panahon at hindi ko namalayang ilang buwan na ang nakakalipas at ilang buwan na din kaming nagtitimpi sa mga asungot.


Kung ibang tao kami, malamang ay nagdrop out o nagtransfer na lang at heto at patapos na ang first semester, still standing against the odds.


Nahiwa-hiwalay kami paglabas ng library at pumunta sa kanya-kanyang club na sinasalihan.


Siyempre nagtungo kami ni Lawrence sa music club, ewan ko ba sa isang ito.


Wala na ngang alam sa music, sintunado pa at nakuha pang pumasok sa club ko.


Mabuti na lang at naturuan ko siyang gumamit ng mga basic chords sa acoustic guitar.





[MUSIC CLUB]




Maganda ang pagkakagawa at pagkakapwesto ng room dahil may devision per instruments at nakahilera sila ng maayos. 


Sobrang organize dito hindi gaya sa ibang music studio sa ibang school.

"Grabe ang ganda dito ano, nakalarelax kahit maingay." sabi ko ng may ngiti.


"Kaya ikaw Lawrence, tandaan mo yung mga tinuro ko sayo, ayokong mapahiya sa kanila. Naiintindihan mo?" sermon ko dahil alam kong matigas ang ulo ni Lawrence.


"Hoy bakla ka, bingi ka ba? Sumagot--" napatigil ako sa pagsasalita dahil pinagtitinginan ako ng mga tao.


Wala pala akong kausap na Lawrence, aba'y nasaan naman nagpunta ang baklang iyon.


"Hala siya, iniwanan ako?" ilinibot ko ang mga mata ko pero wala akong nakitang Lawrence.


Bwisit kang bakla ka pagmumukhain mo pa akong baliw dito?


"Excuse me kuya, nakita niyo po ba yung kasama kong beks kanina?" tanong ko sa kasunuran namin.


"Ahh oo, tinakbuhan nga niya kayo kanina eh." natatawang sabi ng mga ito.


"Nagmukha ka tuloy baliw pre hahaha!" sabi ng isa pa.


"Hahaha. Oo nga pero nakita niyo ba kung saan siya pumunta?" tanong ko.


Loving The Unlovable [COMPLETE] A Boyslove NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon