Chapter 24: "The Past"
CHAD'S POV:
MAAGA akong nagising at padilat ng mata ko ay mukha agad ni Tristan ang nabungaran ko.
Tulog pa din siya sa pagkakataong ito.
"Bakit napaka- attractive mo?" bulong ko at kusang dumapo ang daliri ko sa mukha niya.
Tumayo na ako at kinumutan ko siya.
Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatitig sa mukha niya.
Umihi muna ako tsaka nagtungo sa dinning area.
Naabutan ko doon ang mga parents ni Tristan.
"Goodmorning po." bati ko sa kanila.
"Goodmorning Chad." pagbati pabalik ni tito Jeff.
"Siya nga pala Chad, wala kami nila tita Jamaica mo at gabi na kaming makakauwi dahil may business appointment kaming pupuntahan at wala din ang mga maids ngayon dahil day off. Ibig sabihin kayong dalawa lang ni Tristan dito kaya't hinahabilin ko sa inyo ang bahay at mga kailangan." habilin ni tito Jeff.
"At wag kayong madadala ng babae dito ha." sabi ni tita Jamaica.
"Tita, we are not going to do that, of course," I answered.
"Oh siya we have to go na. Kayo ng bahala dito," ani ni tito Jeff at umalis na sila.
"Ingat po kayo" aniko.
Nang makaalis sila ay nagsimula na akong kumilos at gumawa ng gawaing bahay.
Nagluto ako ng almusal at dahil wala akong ibang maisip na almusal ay gumawa na lang ako ng pancake.
Nagtimpla din ako ng kape para pagising ni Tristan ay may ibibigay ako sa kanya pang kontra sa hangover.
I garnish the pancake with a strawberry syrup.
Narinig ko na lang ang mga hakbang na bumababa sa hagdan.
"Good morning, breakfast has been prepared," I said to Tristan.
"Good morning din." bati nito at patuloy na bumaba.
Agad siyang humanap ng pwesto at linagyan ng siya ng pancake sa plato nito at linagay ang tinimplang kape katabi ng pancake.
"Mabisa yan pangontra sa hangover," aniko.
"Salamat." tugon nito.
"Wow pati pancake may design pa. Kinareer talaga ang pagiging architect ah. Anong sukat nito 1:2?" biro nito.
"Siraulo ka, kumain kana nga lang diyan." natatawa kong turan.
"Oo na siraulo na ako, at isa ka sa mga dahilan nun." he replied.
Napangiti naman ako at sinabing, "Ang dami mong alam" at umiling ako.
Kumain siya ng pancake at nagustuhan niya naman iyon.
"In fairness ah, wife material ka din pala." aniya habang nginunguya ang pancake.
"Wag mo akong binobola, kahit bata kaya gawin yan" sabi ko sabay higop ng kape.
"Sus, nahiya kapa." sabat niya.
"Kumain kana lang diyan" saway ko.
BINABASA MO ANG
Loving The Unlovable [COMPLETE] A Boyslove Novel
Lãng mạnChad Villegas ay isang binatang bakla na papasok sa isang all men university. Doon ay magmimistulang impyerno ang buhay niya dahil sa pambu-bully ni Tristan James Salvador kaya't darating si Knight Gray Delos Reyes para ipagtanggol siya. Ano ang man...