Chapter 3

2.5K 120 9
                                    

Chapter 3: "The Victims"





CHAD'S POV:



ILANG ARAW na ang lumipas at ngayon na gaganapin ang motor racing showdown.

Nag-aayos ako ng sarili ng biglang tumunog ang doorbell, syempre sino pa bang aasahan ko kundi ang mga kaibigan ko lang.

Pagbubuksan ko saka sila kaso naunahan na ako ni tito I mean tatay Enrique.

Pinatuloy sila nito papasok sa garahe.

Paglabas ko ng main door ay ibat-ibang porma ang nakita ko.

Unahin na natin si Crescendo na napaka-weeb ng dating. Nakabilog na transparent eyeglasses, nakatakip ang bang sa kabilang mata, naka-brown jacket, black na t-shirt na tokyo goul ang tatak at black na pantalon at rubber shoes.

At naka-headset na akala mo may dalang computer.

Si Lawrence naman ay naka-light blue t-shirt at fitted na, v neck pa.

Black ripped jeans at white and pink combination ng rubbershoes at naka-pustura syempre.

Mas nakakatawa ang pormahan nitong si Jack. Naka-over size t-shirt na may drawing na w*eds, short na hanggang tuhod at nakabaliktad ang subrero. Parang gangster sa kanto hahaha.

Ako naman ay simpleng gwapo lang:

Stripe na v neck longsleeve na may playboy logo combine with skinny jeans na maong, itim na sumbrero at rubbershoes lang.



"Oh anak, mag-ingat kayo sa activities niyo ah." paalala ni mama.

"Yes ma, kayo din po. Don't forget your maintenance.'' aniko.

"Oo naman bunso ko." aniya at hinawakan ang pisngi ko.

"Sige t-tay, kayo ng bahala muna kay mama." paalala ko at tumango lang siya.

Marahil ay naiilang pa din ako sa kanya pero masasanay din ako.

Lumabas na kami ng mga tropa ko at nagsimulang maglakad palayo sa bahay.

"Mahal na mahal ka ng mama mo ano?" sabi ni Lawrence.

"Natural na siguro iyon, nag-iisang anak na lang ako sa bahay dahil nagsipag-asawa na yung dalawang ate ko." ngumiti ako.

"Bukod sa unico iho, ako lang din ang kamukha ni papa sa aming magkakapatid" proud kong turan.

"Parang ang layo naman ng hitsura mo sa papa mo." sabi ni Jack.

"Oo nga, siya yung nagbukas ng pinto diba?" dugtong ni Lawrence.

Siguro si tatay Enrique ang tinutukoy nila.

"Hindi siya ang totoong papa ko." malungkot kong sabi.

"What do you mean, where's your real dad?" tanong ni Crescendo.

Ngumiti ako ng mapakla
"Nasawi siya sa gyera" malamig ang tono ng boses ko.

Natahimik ang mga kasama ko at tanging tunog lang ng sapatos ang naririnig.

Walang ni isang nagtangka na mag-follow up question. Nag-antay kami ng jeep mabuti na lang at nakasakay kami agad dahil pahirapan sumakay dahil madaming saradong highway.

Nang makarating kami sa lugar ay sumambulat ang napakaraming tao at may mga nakaparadang sasakyan sa gilid.






[MOTOR RACING SHOWDOWN EVENT]

Loving The Unlovable [COMPLETE] A Boyslove NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon