Chapter 11: "The Savior"
CHAD'S POV:
SIMULA nung maging kaklase namin si Knight ay madalas na akong naiistress dahil napaka-kulit niya, sa araw-araw na ginawa ng diyos ay puro na lang siya pagpapasaway.
To the point na halos lahat ng ginagawa ko ay lagi siyang nakasunod, wala naman akong magawa dahil ako ang inassign ni sir Jo para turuan siya ng architecture.
Pati paggawa ko ng mga plates at mga drafts ginugulo niya.
Bakit hindi na lang kasi si Crescendo ang inassign tutal mas mataas mas magaling naman siya magturo kaysa sakin.
Pakiramdam ko tuloy nagkaroon ako ng batang alagain na kahit mas matanda pa siya sakin.
Madami-dami din kasi siyang hinahabol na mga task.
Mabuti na nga lang at puro minor subject lang ang offer noong mga nakaraang semester kaya isang major na lang hahabulin niya at mukhang kakayanin naman dahil mukhang hindi namin mare-reach ang maximum units namin.
Sa sobrang inis ko sa kanya ay hindi ko namalayan na isang linggo ko na siyang madalas kasama.
Although, madali naman siyang turuan kaso ultimo commonsense na lang ay need niya pa itanong sa akin.
May good side din naman dahil hindi na kami pinapakialaman ng mga tarantado, sina Tristan at syempre lagi akong libre ng foods pero the rest ay stress ang inabot ko kay Knight.
[Breaktime]
Nakapikit ako habang marahang hinihilot ang sentido ko gamit ang mga daliri ko.
Dalawa kami ni Lawrence na naiwan sa classroom.
"Ay sis grabe makahilot sa ulo, stress na stress?" paninita ni Lawrence.
"Paano ba naman kasi pre, nakakairita na ai Knight. Dagdag pa siya sa kunsumisyon ko!" may diin kong turan..
BINABASA MO ANG
Loving The Unlovable [COMPLETE] A Boyslove Novel
RomanceChad Villegas ay isang binatang bakla na papasok sa isang all men university. Doon ay magmimistulang impyerno ang buhay niya dahil sa pambu-bully ni Tristan James Salvador kaya't darating si Knight Gray Delos Reyes para ipagtanggol siya. Ano ang man...