Chapter 26:"Family Seeker"
TRISTAN'S POV:
SA LOOB NG DALAWANG GABI na nagkaroon ng trangkaso ay hindi ako pinabayaan ni Chad. Inalagaan niya ako at inasikaso, siya pa lang ang taong gumawa nito sa akin.
Tinuruan niya niya din ako ng lectures bago matulog. Nanonood din kami ng movie sa laptop para kahit paano ay malibang ako kami, and this night ay pinaglutuan niya ako.
"Ayan, nagluto ako ng crab soup para sayo, ubusin mo yan." aniya ng ilapag sa maliit na lamesa na ipinatong sa higaan ko.
"Wow, ang sarap naman nito" masaya kong turan.
Bumangon naman ako sa pagkakahiga at kumain ng linuto niya.
Masarap iyon at halos maubos ko ang crapsoup, doon ay pinagpawisan ako dahil sa init ng sabaw.
Sa pagkakataong ito ay kakagaling ko lang, iba talaga kapag may halong pagmamahal ang pag-aalaga sayo, ang bilis maka- recover.
Sa loob ng ilang sandali, linagay niya ang aking pagkain sa labas at pagkatapos ay bumalik.
Umupo siya sa bedside ko.
"Chad." pagtawag ko.
"Oh?" tugon niya.
"Linalamig ako." sabi ko.
"Paanong linalamig eh balot na balot ka nga sa kumot at tsaka kanina lang pinagpapawisan ka pa." pagtataka niya.
"Linalamig nga ako Chad." pangunhit ko at umarteng nanginginig.
"Ano bang gusto mong inumin, hot choco o kape?" tanong niya at umiling ako.
"Wala sa nabanggit" sagot ko.
"Ano nga kasing gusto mo?" naiinis na sabi niya.
"A body heat" sagot ko at ngumiti.
"In short yakapin mo ako" may lambing kong turan.Hinila ko siya at yinapos gamit ang mga bisig ko.
"Hmmm, ang sarap naman." at mas hinigpitan ko pa ang yakap.
"Lets sleep like this" aniko at pilit sitang kumalas pero hindi ko pinakawalan.
"Ano ba Tristan, mahawa ako sa'yo," saway nito.
"Don't worry magaling na ako." aniko.
"Mas mabilis makahawa ang sakit kapag kakagaling pa lang." katwiran niya.
Binatawan ko na siya sa pagkakayakap.
"Ayaw mo ba nun, kapag nagkasakit ka ako naman ang mag-aalaga sa'yo." sabi ko at ngumiti.
"Ayokong magkasakit noh!" pagtanggi niya at dumistansya.
"Syempre joke lang. Ayoko din makita kang matamlay at nahihirapan," aniko.
Napangiti siya sa binitawan kong salita.
"Alam mo matulog na kaya tayo, anong oras na." sita niya.
Humiga siya sa tabi ko at pinatay ko ang lamp.
Pasimple ko siyang tinignan at ngumiti."Oh ano pang hinihintay mo, may pasok pa bukas, tandaan mo madami ka ng absent kaya kailangan mo magbawi."
"Oo na heto na po, matutulog na," aniko at humiga sa tabi niya.
Napangiti ako dahil sa tuwa.
Tuwa dahil nariyan lagi si Chad para sakin. F
irst time ko makaranas ng pag-aaaruga at doon pa sa taong hindi parte ng pamilya ko.
BINABASA MO ANG
Loving The Unlovable [COMPLETE] A Boyslove Novel
RomanceChad Villegas ay isang binatang bakla na papasok sa isang all men university. Doon ay magmimistulang impyerno ang buhay niya dahil sa pambu-bully ni Tristan James Salvador kaya't darating si Knight Gray Delos Reyes para ipagtanggol siya. Ano ang man...