Chapter 36

784 43 0
                                    

Chapter 36: "Over Possession"

















CHAD'S POV:








PAGBUKAS ko ng phone ko ay nagulat ako. No Sim Card ang status ng cellphone ko. 

Akala ko nagloloko lang kaya't binuksan ko at nanlaki ang mga mata ko. 

Wala din talagang sim card ang phone ko.

Hinalughog ko ang kama ko at binuksan ang mga drawer but I found no sim card. Napasambunot ako sa ulo ko dahil sa inis. 

Wala akong natatandaan na tinanggal ko ang simcard ko.

Napatingin ako sa may lampshade at mayroon doong tickler (small notebook) at may mga kontak na nakasulat doon.

Bumukas ang banyo at lumabas si Tristan na naka-brief lang at nasampay ang tuwalya sa balikat.

"Tristan anong ibig sabihin nito?" tanong ko at itinaas ang tickler.

"Pinagsasabi mo diyan?" pagmamaang- maangay niya at ibinato ko sa kanya ang tickler dahil sa inis.

"Ayan, basahin mo!" galit kong turan at dinampot niya ito.

Nagsuot muna siya ng boxer short at umupo sa tabi ko.

"I brought you a new simcard" aniya at dinukot ang bagong simcard sa ilalim ng unan.

Inabot niya ang simcard at kinabig ko lang iyon at nalaglag sa sahig. Tila walang gana niyang dinampot ito.

"Tristan ano na naman bang problema mo?" nagtaas na ako ng boses sa pagkakataong ito.

"Im sorry, Chad!" mahina niyang turan.

"Tristan, ano na naman ba kasing pumasok sa kokote mo at ginagawa mo ito?" bulyaw ko.

"Nakita ko lang naman na hanggang ngayon may communication pa din kayo ni Knight. Nagkakatext pa nga kayo diba?" sumbat niya.

"Ginamit mo ang phone ko ng walang permiso?" singhal ko.

"Wow Chad. Ako dapat ang magalit diba? Pero bakit parang ikaw pa itong dehado?" pagtataas niya ng boses.

He chuckled "Permiso? Boyfriend mo ako Chad at may karapatan ako sayo" sumbat pa niya
"Kung tutuusin ako dapat ang magalit dahil sa mga nabasa ko."

"Tristan hanggang ngayon ba wala ka pa din bang tiwala sa akin?" sumbat ko.

"Sayo may tiwala ako pero kay Knight--- that man--- sorry pero wala Chad. As in wala!" may gigil sa boses niya.

"Tristan magkaibigan na lang kami ni Knight at hindi pa ba malinaw sayo yun?" I said with trembling voice.

"Para sa'yo magkaibigan kayo. Paano naman sa para kanya?" sumbat niya.

"Ano ba kasing pinagsasabi mo?"

"Sige Chad, ipaliwanag mo nga ang ibig sabihin ng 'Ikaw pa rin kahit hindi na ako' aber?!" aniya at natulala ako. 

"See, hindi ka makasagot kasi hanggang ngayon, umaasa p-a din ang lalaking iyon na baka may chance pa kayong dalawa hindi ba?" 

Sinabi ba talaga ni Knight iyon?

"Tristan, hindi pa tayo mag-asawa pero sinasakal mo na ako." mahina kong sabi.

"Yun nga din ang problema ko. Hindi pa nga tayo mag-asawa pero hindi mo na kayang maging tapat!" sumbat niya at tumayo sa kinauupuan.

Lumabas siya at padabog na sinarado ang pintuan. 

Nahilot ko naman ang sentido ko. 

Hindi ko na siya tinangkang sundan at suyuin dahil ininis niya ako.

Loving The Unlovable [COMPLETE] A Boyslove NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon