Chapter 33

1K 48 0
                                    

Chapter 33: "21th Birthday"







CHAD'S POV:









MADAMING batikos ang natanggap ko sa mga tao. Hinusgahan nila ako kahit hindi nila alam ang tunay na nangyari mabuti na lang at laging nariyan si Tristan para sa akin. 

Naging pulutan ako ng mga judgemental na tao pero pinagsawalang bahala ko na lang. 

Minsa'y gustong patulan ni Tristan ang mga iyon pero pinipigilan ko siya.

Nariyan din ang mga tropa ko para damayan ako. 

Pinapatawa at inaaliw nila ako.

Kung wala sila baka tuluyan na akong nilamon ng depression.

Palagi nila sa aking pinapaalala na. 

'Your mistake will not affect your value as a person. You know yourself better than anyone else, so don't let whatever they say to you define you.'

Ngayong araw ay sinama ko si Tristan sa puntod ni papa. 

Magkahawak kamay kaming nakatingin sa lapida niya.

"Papa, si Tristan nga pala. Boyfriend ko" panimula ko at yumuko si Tristan at ngumiti.

"Alam kong minahal niyo noon si Elaisa para sa akin pero kapag nakilala niyo si Tristan, sigurado akong mas mamahalin niyo siya." bumuntong hininga.

"Alam niyo ba pangarap niya din maging sundalo, tulad niyo" nakangiti kong turan at mas humigpit pa ang paghawak niya sa kamay ko.

"Mahal na mahal niya ako papa at mahal ko din siya. Sa katunayan nga, siya na ang gusto kong mapangasawa." sabi ko at mas lumapad ang ngiti ni Tristan.

"Hello po papa, ako nga pala si Tristan ang future manugang niyo." sabi ni Tristan at natawa ako.

"Totoo pong mahal na mahal ko ang anak niyo at handa ako gawin ang lahat wag lang siya mawala sa akin." bumitaw sa paghawak sa kamay ko si Tristan at inakbayan ako.

"Alam kong hindi namin kayo kayang bigyan ng apo dahil hindi naman totoo ang MPreg." napayuko na lang ako
"Kung may fairy nga lang na kayang gawing babae si Chad baka matagal ko ng hinanap eh maging normal lang ang relasyon namin sa madla at mga mapanghusgang tao sa paligid." pinilit nitong ngumiti ng malapad.

"Pero wala akong pakialam sa sasabihin ng madla basta ako, kasama ko ang anak niyo. Kontento na ako at pinapangako kong aalagaan at mamahalin ko siya tulad ng pagmamahal niyo sa kanya." sabi ni Tristan at tumaas ang kilay kasabay ng malapad na ngiti.

"Gabayan niyo kami papa, we love you" sabi ni Tristan.

"I love you din papa" sabi ko at yinakap ko si Tristan sa harap ng puntod niya.

Nagsindi kami ng petals ng white roses at sabay na inihipan ang usok nito.



Magkahawak kamay kaming lumabas sa sementeryo.

"Sa palagay mo tanggap kaya ng papa mo ang relasyon natin kung buhay pa siya? Lalo na at sundalo siya, malamang dagok yun sa reputasyon at pangalan niya." tanong ni Tristan.

"Malawak ang pang-unawa ni papa sa mga bagay-bagay. Dahil kung hindi malamang ay siya mismo ay dinis-criminate ako nung buhay pa siya. In fact, pinagtanggol niya ako." sabi ko.

"Mabuti na lang at hindi mong totoong ama si Enrique, kung hindi ay sigurado akong paghihiwalayin niya tayo." sabi ni Tristan.

"Isa yun sa mga pinagpapasalamat ko dahil wala akong ama na homophobic." tugon ko.

Loving The Unlovable [COMPLETE] A Boyslove NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon