Chapter 39

954 47 16
                                    

Chapter 39: "Tragedy"



















CHAD'S POV:






















NAPASANDAL ako sa pintuan habang umiiyak dahil sa pagtawag sa akin ni Tristan.

Isa sa pinakamasakit sa akin ay ang makitang umiiyak at nahihirapan si Tristan.

Matapos ang pagtatalo ay pumasok muli si Knight para yakapin ako.

Sunud-sunod ang pagpatak ng luha ko habang mahigpit ko namang yinayakap si Knight.

"Tahan na Chad, kaya mo yan!" pagpapakalma ni Knight sa akin.

"Knight ang sama ko ba para tiisin na makitang nahihirapan at nasasaktan yung taong mahal ko dahil sa akin?" tanong ko habang umiiyak.

I keep sobbing "Wala akong pinangarap kundi bumuo ng masayang buhay kasama si Tristan" I sniffed 

"Yung ipagluluto ko siya. Ihahanda ko yung susuotin niya pagpasok. Aalagaan kaoag may sakit siya" I sob on his shoulder 

"Lalambingin kapag nagagalit o nagseselos siya. Hahalikan at yayakapin kapag malungkot siya at laging ipapaalala na mahal na mahal ko siya" mas ibinaon ko pa ang mukha ko sa dibdib ni Knight at hinagod niya ang likod ko.

"Pero hindi ko na magagawa lahat ng iyon Knight. Mahalaga para sa akin ang pamilya ni Knight at wala akong magagawa dahil boyfriend lang ako." dugtong ko pa

"Tama na Chad, ako yung nahihirapan kapag nakikita kang umiiyak." at hinagod niya ang likod ko.



-----




Patuloy akong kinomfort ni Knight. 

Tinabihan niya ako maghapon para pawiin ang lungkot ko. 

Minsan kasi hindi naman kailangan magbigay ng payo kapag nalulungkot ka, sapat nang nariyan siya sa tabi mo para damayan ka.

Umupo kami sa isang sofa at nagsalang ng comedy movie si Knight at para siyang baliw kakatawa habang ako nama'y tulala lang na nakalanood sa tv. 

Hindi ko maramdaman yung saya ng pinapanood ko.

"Chad kaya nga comedy ang CD na sinalang ko para tumawa ka pero tignan mo yang mukha mo. Pangmahal na araw" sabi nito at umiling-iling.

Inakbayan ako ni Knight.

"Alam ko na masakit para sa iyo itong sitwasyon niyo pero kung hahayaan mong lamunin ka ng lungkot na iyan, walang mangyayari sa'yo" payo ni Knight at sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya.

He cupped my cheeks and concentrated his passionate eyes on mine and said,

"Hindi sa sinasabi kong maging masaya ka ngayon pero huwag mong ikulong ang sarili mo sa sakit." may ngiti nitong turan.

Tinapik niya ang balikat ko at sinabing.

"You deserve to be happy" payo niya at umiwas ako ng tingin.

"Salamat Knight dahil kahit hindi kita pinili noon, patuloy ka pa din nanatili sa tabi ko, Kahit sinaktan kita." sabi ko pa.

"Wala eh, mahal na mahal kita Chad, kaya kahit alam kong hindi ako ang pipiliin mo. Narito pa din ako." sabi niya at yinakap ako.

"Ang importante, alam kong minahal mo ako kahit naging mas matimbang si Trsitan."

"I'm sorry din Knight."

Loving The Unlovable [COMPLETE] A Boyslove NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon