Chapter 18: "Man of Sorrow"
TRISTAN'S POV:
NAGISING AKO dahil sa ingay sa labas. Gustuhin ko man na matulog pa ulit ay nawalan na ako ng gana kaya't lumabas na ako ng kwarto para pumunta sa dinning at mag-almusal.
Sa lahat siguro ng estudyante ay ako yung never na excite umuwi dahil hindi maganda ang environment namin dito.
Nagsalin lang ako ng kape at nagpalaman ng tinapay.
"Ano na naman ba kasing problema hon?" pagsuyo ni mom kay dad.
"Nagback out yung client natin kung kailan napadala ko na ang mga stocks!" bulyaw ni dad dahil sa init ng ulo.
Hinayaan ko lang siya magrant. Nagpatuloy ako sa pag-aalmusal.
"Calm down hon, pwede nanan nating i-resell iyon" ani ni mommy.
"Do you think ganun lang kadali yun? It's worth almost a million, sa palagay mo ba ganun kadali bawiin yun?" frustrated na sabi ni daddy.
"Hon, wag mo masyado gawing stress ang sarili mo, we will find ways" pagpapahinahon ni mommy kay daddy.
"You know what Tristan, you're a 20 years old now at ikaw dapat ang tumutulong sa problema namin." sumbat ni dad at napatingin ako sa kanila.
"Dad, architecture nga hindi ako nagkainterest, sa business pa kaya?" medyo pabalang ang sagot ko.
"But you're a part of this family. Ikaw dapat ang unang tutulong para itaguyod ang business natin." ani ni dad ng may pagtataas ng boses.
BINABASA MO ANG
Loving The Unlovable [COMPLETE] A Boyslove Novel
RomanceChad Villegas ay isang binatang bakla na papasok sa isang all men university. Doon ay magmimistulang impyerno ang buhay niya dahil sa pambu-bully ni Tristan James Salvador kaya't darating si Knight Gray Delos Reyes para ipagtanggol siya. Ano ang man...