Chapter 28

1K 61 2
                                    

Chapter 28: "Be Mine"









CHAD'S POV:










WALA AKONG IDEA kung saan ako dadalhin ni Tristan. Bumaba kami sa isang lugar at madaming tao doon. Paglabas namin ng sasakyan ay puro tunog ng tambol ang maririnig mo at may mga kalalakihan na walang pang itaas na saplot na may makukulay na palamuti sa katawan, nakamaskara at sumasayaw ang mg mga ito.

Nasa isang festival kaming dalawa. Bakas ang ngiti sa mukha ng mga tao.

"Wag mo masyadong tignan." nagsusungit na naman siya.

"At bakit naman hindi?" aniko.

"Ayokong tumitingin ka sa katawan ng iba dahil gusto ko sakin ka lang titingin."

Napahawak ako sa dibdib ko at kumunot ang noo.

"Sorry ha. Parang kasalanan ko pang nakita ko ang mga katawan nila, isa pa hindi ako bulag." pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Okay fine. Pwede mo silang tignan pero wag mong titigan."

"Jusmiyo, Tristan hindi ko alam kung anong nangyayari sayo."

Ang weird lang na dinala niya ako dito tapos bawal ko tignan  yang mga sumasayaw.

Hinila niya ako papunta sa ibang parte ng lugar. Ang labo din ng lalaking ito, masyado na namang nagiging possesive pero aminado akong kinikilig ako sa ginagawa niya.


Linakbay namin ang lugar sa pamamagitan ng paglalakad. Hanggang narating namin ang isang palaro.

"Sali tayo?" pagyaya niya.

"Seryoso ka ba diyan?" pag-aalinlangan ko.

"Oo nga, yayayain ba kita kung hindi?"

"Oh, sige na nga." pagpayag ko.


Ang mechanics ng laro ay magpapaunahan tumakbo ang mga kalahok habang karga ang partner nila sa likuran ng runner at ang unang makarating sa finish line ay siyang panalo.

"So dalawang kalahok na lang ang kailangan." pag-anounce ng master of the game.

"Kami po!" pagpresinta ni Tristan. 

"Ayun kumpleto na pero pwede ba kayong magpakilala?" tanong ng host.

"Hi, ako nga pala si Tristan at ang aking partner--" sabi ni Trsitan at tumungin sa akin "Si Chad."


Gumuhit ang mga ngiti sa labi ko at nagpalakpakan ang mga nanonood.

"Bago ang lahat, kayo ba ay couple?" tanong ng host.

"Not yet" sagot ni Tristan at kinindatan ako kaya nakaramdam ako ng pagkahiya.

"Not yet so it means may balak!" sabi ni host at napailing na lang ako.

Naghiyawan naman ang mga tao.


Kinalaunan ay nakapasok naman kami sa mga kasali.

"So ngayon kompleto na ang mga kalahok. Let's the race begin!" anunsyo ng game master.

Naghiyawan ang mga tao at halatang excited sila sa laban. 

Agad akong pumasan sa likod ni Tristan.

"Kumapit ka lang Chad  wag kang bibitaw!" paalala niya.

"Oo Tristan, hindi kita bibitawan." may ngiti sa labi ko ng sabihin ang mga salitang iyon.

Loving The Unlovable [COMPLETE] A Boyslove NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon