Chapter 7

2K 95 24
                                    

Chapter 7: "The Victims Strikes"

CHAD'S POV:



NALALAPIT na ang singing competition kaya naman pinagbubutihan ko ang pag-eensayo dahil ilang araw na lang ang aantayin para sa singing competition na kahit 3rd place manlang ay masungkit ko pero syempre ibibigay ko pa din ang lahat para manalo, alam kong madami ang magagaling pero susubukan ko pa din na umabot sa standards ng mga judges dahil pangalan ng Red Angels ang premyo dito.

Matapos magpractice ay nagtungo na agad ako sa classroom kahit alam kong medyo late na.

"Uy mabuti't dumating kana." sabi ni Jack.

"Pasensya na medyo traffic eh." sagot ko.

Hindi naman kasi ako sa music club nagpapractice kundi sa bahay ng ate kong panganay.

Napansin kong napakatahimik ni Crescendo ngayon at parang iwas ngayon si Lawrence kay Crescendo.

"So nakapagpractice ka naman ba?" tanong ni Lawrence. 

Ngumiti lang ako at tumango bilang pagsang-ayon.

Sumulyap lang ng tingin si Crescendo sa amin at bumalik ang tingin sa blackboard.

Napansin ko din na bakante ang upuan ni Tristan, absent siguro or nagcutting class.

Kaya't behave lang sina Kim at Chris sa gilid.

Is there's something wrong between him and Lawrence?

Parang masyado yata silang awkward sa isa't isa, there's something fishy talaga.



Nagkaroon kami ng group work at dahil kahilera ko sila ay magkakagrupo kami.

"So sinong magpe-present?" tanong ko.

"Ako na lang" sabay na turan nina Lawrence at Crescendo.

Nagkatinginan sila and they're both speechless, kinilig ako bigla.

"Hindi na, ako na lang." pag-ako ni Lawrence.

"No, let me take care of this." papupumilit ni Crescendo.

"Kaya ko din naman mag-present ah." ayaw magpatalo ng bakla.

"I can do it better."  confident na sabi ni  Crescendo nga naman.

"Okay guys since ayaw nyo magpatalo ay dalawa kayong magpe-present." sabi ko.

"Oo nga naman" pagsang-ayon ni Jack.

"Ayyiiee, ayun oh may couple na tayo." pagsawsaw ni Macoy.



Walang nagawa ang dalawa dahil buong grupo na ang nag-request na silang dalawa na lang.

Napabuntong hininga si Crescendo at ngumiti.

"Okay fine let's do it." pagsang-ayon nito.

"May magagawa pa ba ako?" si Lawrence.


Ngayon ay dalawa silang nasa harapan at kita namang nagkakailangan sila pero ang cute nila tignan. 


Salitan sila ng paliwanag at kung minsan pa ay sinasalo ni Crescendo si Lawrence kapag hindi na alam ang sasabihin kaya't hindi nila maiwasang magkatitigan.




---

Loving The Unlovable [COMPLETE] A Boyslove NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon