Chapter 19

1.2K 73 3
                                    

Chapter 19 "Undeserving punishment"












KNIGHT'S POV:














KANINA pa ako hindi mapakali at napaparanoid dahil hanggang ngayon ay hindi namin alam kung saan nagpunta si Chad.

Halos lahat kami tinawagan siya pero kahit isa wala siyang sinagot.

Natapos na ang oras ng klase at wala pa din kaming balita sa kanya.

"Nasaan ka na ba Chad?" pag-aalala ni Lawrence habang dina-dial ang number nito.

"Wala talagang sumasagot." sabi ni Crescendo.

"Hindi ko gusto mang bintang pero hindi kaya kasama ni Tristan si Chad?" sabi ni Jack.

"When I called him earlier, he said his not with Tristan." sabi ko.

"What if nagsinungaling siya?" sabi ni Jack.

"No, hindi niya gagawin iyon." sabi ni Crescendo.

"Tsaka saan naman siya dadalhin ni Tristan?" sabi ni Lawrence.

"Malay mo nagdate sila or nag-check in." sabi ni Jack.

"Wala tayo sa oras para sa biruan Jack, seryosong usapan ito." saway ni Lawrence.

"Sinasabi ko lang ang posibilidad." sabi ni Jack.

Parang gusto kong paniwalaan si Jack sa mga oras na ito, hindi kaya't bumawi siya kay Tristan sa pagkakataong ito at kasama niya ang isang iyon?

May kutob din ako na kasama siya ni Tristan or much worst may ginawang hindi maganda si Tristan sa kanya dahil wala din ang tropa ni Tristan.

Sinukbit ko ang itim na jacket ko at hindi ako mag-aasaya ng panahon, I have to find him.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Lawrence at patuloy ako sa paglakad.

"Hahanapin ko si Chad." aniko at tumakbo palabas.

Mabilis kong tinahak ang daan papuntang parking lot.

Agad kong pinaandar ang motor ko kahit hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Chad.

Hinalughog ko ang lahat ng street na alam ko pero sa lahat ng napuntahan ko ay wala akong nakitang kahit isang clue na maaring magturo kung nasaan si Chad.

Huminto muna ako sa pagmamaneho at sinubukan ko ulit siyang tawagan pero nainis lang ako dahil hindi niya sinagot ang tawag ko.

"Arrgg, bwisit naman oh Chad nasaan ka ba?" singhal ko.

"Uy Knight, kumusta?" sabi ng isa pang motorista at nagpark katabi ko.

Si Shido pala, isa sa mga motor rider na ka-team ko sa riders club na sinasalihan ko.

"So far okay ako, actually finding I'm someone." sabi ko.

"Sino naman? Another one of your flings? Babae o bakla?" wala rin preno ang isang ito.

"A friend." sagot ko.

"Ano bang nangyari at hinahanap mo siya?" tanong muli ni Shido.

"Bigla na lang siyang nawala without any reason at masama ang kutob ko. Pakiramdam ko at this point, he's in danger." sabi ko at bumuntong hininga.

"IT ka diba?" bigla kong tanong.

"Yup, bakit mo naitanong?"

"Kaya mo bang ma-trace ang location niya using phone call?"

"Oo naman. It's an easy thing."

"Please help me to find him dude"

"Sure, walang problema"












Loving The Unlovable [COMPLETE] A Boyslove NovelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon